Facebook

‘TRO TRAFFIC SCHEME’ NG BF RESORT HOMEOWNERS, PINALAWIG NG KORTE SA LAS PIÑAS

PINALAWIG ng Regional Trial Court (RTC) sa lungsod ng Las Piñas ng 20 araw ang Temporary Restraining Order (TRO) na inisyu noong September 19, 2022 laban sa bagong administrasyon ng BF Resort Village Homeowners Association, Inc. matapos na umano’y higpitan nito ang pamamalakad ng sinasabing ‘Friendship Route’ na nakatutulong upang makaiwas sa trapik at mapabilis ang biyahe ng mga motorista patungo sa kanilang destinasyon.

Ayon kay Sen. Cynthia Villar, noong September 22 ay isa pang dagok sa bagong administrasyon ng BFRVHAI ang kautusan ng korte na palawigin pa ng 72-hour o hanggang October 9,2022 ang TRO matapos na mapag-aralan sa petisyon na may sapat na basehan ang inihain ng mga petitioners sa summary hearing noong Septmeber 21,2022.

Habang epektibo ang TRO, itinakda ng korte ang mga pagdinig sa September 27, 28, 29 at 30, 2022 para maghain ang mga partido ng kanilang ebidensiya upang mabatid ng korte kung kailangang magpalabas ng Writ of Preliminary injuncttion.

Nabatid na ipinatigil ng TRO ang pagpapatupad ng bagong village traffic scheme, partikular ang pagsara sa Onelia Jose St. sa BF Resort Village (BFRV), na ayon sa korte ay nakakaabala o ‘perwisyo’ sa petitioners.

Noong September 19, nagsampa si Villar, residente ng BFRV simula pa noong 1976; Rommel Dela Cruz at Virgilio Hernandez ng Petition for Prohibition and Mandamus with Application for TRO and/or Preliminary Injunction laban sa respondents at mga opisyal ng homeowners na sina Euan Rex Toralballa, Michael Roxas, Atty. Angelo Ted Diesmos at iba pa.

“The Petition seeks to enjoin the respondents from enforcing the new BFRVHAI administration’s traffic scheme and instead comply with the local ordinances on Las Piñas Friendship Route,” ani Villar.

“This include allowing Las Piñas City resident-holders of Friendship Route stickers to freely access and pass through the street, roads, avenues and thoroughfares declared to be part of the “Friendship Route” in BFRV under the local ordinances,” dagdag pa niya.

Dahil dito, sinabi ng korte na kailangang magpalabas ng 72-hour TRO upang mapigil ang anumang epekto nito gaya ng travel costs, productivity, wasted fuel at economic activity slow down.

Matatandaan na noong 1995 ay nagpalabas ang Las Piñas LGU ng isang ordinansa na nag-utos sa developers at homeowners associations sa Las Piñas na buksan at payagan ang paggamit ng kanilang kalsada o tinatawag na “Friendship Route” para makatulong na mabawasan ang trapiko sa Alabang-Zapote Road at iba pang pangunahing kalsada sa nabanggit na lungsod.

Noong buwan ng Hulyo 2022 ay nagkaroon ng umano’y kaguluhan at kalituhan matapos na maglagay ng guwardiya ang bagong pamunuan ng homeowners sa may Onelia Jose St. kung saan ay pinigilan nilang hindi padaanin ang ilang residente ng Las Piñas kahit na mayroon silang ‘friendship stickers’ na nakakabit sa kanilang sasakyan.

Napag-alaman na ang Onelia Jose Street ay ang kalsadang umuugnay ang sa Zapote River Drive patungong CAVITEX at Bacoor, Cavite upang mapagaan at mapabilis ang kanilang biyahe sa pag-uwi.(JOJO SADIWA)

The post ‘TRO TRAFFIC SCHEME’ NG BF RESORT HOMEOWNERS, PINALAWIG NG KORTE SA LAS PIÑAS appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘TRO TRAFFIC SCHEME’ NG BF RESORT HOMEOWNERS, PINALAWIG NG KORTE SA LAS PIÑAS ‘TRO TRAFFIC SCHEME’ NG BF RESORT HOMEOWNERS, PINALAWIG NG KORTE SA LAS PIÑAS Reviewed by misfitgympal on Setyembre 25, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.