Hinihiling ngayon ni FORMER MISAMIS ORIENTAL GOVERNOR ATTY. HOMOBONO ADAZA na ipaliwanag o linawin ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR ang matagal nang usap-usapan sa KAYAMANAN ng MARCOS FAMILY na nakadepositi sa isang banko na nagkakahalaga ng USD$1.3 TRILLION.., kung may katotohanan o likhang isip lamang?
Ang naturang halaga ay hindi umano inilabas sa mga nakaraang naging PRESIDENT sa ating bansa dahil ang mga ito ay interesadong makamkam lamang ang pera sa halip na ipamahagi sa mamamayan ayon kay ATTY. ADAZA.
Sa weekly media forum ng “BALITAAN SA MAYNILA” na ang mga moderator ay ang mga VETERAN BROADCASTER na si ANGELO ALMONTE at VETERAN JOURNALIST na si DAVE VERIDIANO.., na nitong Linggo ay panauhin sina CHIEF PRESIDENTIAL LEGAL COUNSEL FORMER SENATOR JUAN PONCE ENRILE at si ADAZA.., na inihayag ng huli na si FORMER PRESIDENT FERDINAND MARCOS SR ay nagsabi umano kay yumaong FORMER VICE PRESIDENT SALVADOR “DOY” LAUREL na ang 90% ng MARCOS WEALTH ay dapat umanong maibigay sa mga tao at ang maiiwang kayamanan sa MARCOS FAMILY ay 10%.., na ang pag-uusap nina yumaong APO FERDIE MARCOS SR at DOY LAUREL sa MAKIKI, HAWAII ay nasaksihan o testigo si ADAZA.
Si ADAZA na dating naging BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION (BID) COMMISSIONER ay tinuran niyang may dokumentong magpapakita sa MARCOS DEPOSIT na USD$1.3 TRILLION.., na ang pera ay nakadeposito raw sa isa sa mga banko sa ating bansa at ang naturang halaga ay malaking katulungan umano upang masolusyunan ang USD$13.1 TRILLION utang ng bansa na iniwan ni FORMER PRESIDENT RODRIGO DUTERTE.
Ipinakita ni ADAZA sa mga MEDIA ang ika-2 sa dalawang sulat niya kay MARCOS na aniya ay “OPEN LETTER” para sa kabatiran ng mga tao at tugon na rin sa panawagan ni PRES. BONGBONG MARCOS na UNITY at COOPERATION.
Ang isang sulat ay ipinadala sa PRESIDENT noong July 31, 2022.., yun nga lang ay walang naging katugunan.
“Probably because you think you are the most powerful person in this country and you believe that we, the citizens, are nothing. Or, you think that claim of billions of wealth in the hands of supposed trustees of your father is imaginary and the claim of hidden treasures is imaginary as well,“ pagpapahayag ni ADAZA sa BALITAAN SA MAYNILA FORUM.
“It is our humble opinion, that as President of the country, your particular and immediate attention is to verify the existence of the claimed wealth. If they are proved to be true, you don’t have to travel to other countries to invite them to invest in the Philippines or ask for loans to propel your program of government,” bahagi ng sulat ni ADAZA kay PRES. BONGBONG MARCOS.
“The huge wealth allegedly claimed by former First Lady, Imelda Marcos and the trustees of PBBM’s late father “cannot be attributed to graft and corruption because at no time did the government of this country ever had that kind of money, if the claims are verified and validated,” pagpupunto pa ni ADAZA sa kaniyang ipinadalang sulat.
Si ADAZA na dati ring miyembro ng PARLIAMENT ay naghayag na marami sa kaniyang mga kliyente ang nagsasaad na maraming mga deposito sa iba’t ibang banko sa buong mundo dagdag pa ang mga hidden treasures na aniya ay malaking katulungan para sa government’s development programs at ang posibilidad na mabayaran na ang pagkakabaon sa utang ang ating bansa.., yan e kung mapapatunayang totoo at genuine ang sinasabing MARCOS HIDDEN WEALTH.
“If the claims are untrue – it is about time this issue be laid to rest and those responsible for the claims be prosecuted and locked in jail for the rest of their natural life,” pagdidiin ni ADAZA.
Mga ka-ARYA.., malaki ang punto rito ni ATTY. ADAZA na dapat o panahon na para linawin ni PRES. BONGBONG MARCOS ang isyu sa sinasabing MARCOS HIDDEN WEALTH.., na ito ay para na rin sa kapakanan ng buong mamamayan.., kasi po, may mga SWITIK na ginagamit ang photo copy kuno ng GOLD BAR na bahagi raw ng MARCOS GOLD DEPOSITS at ipinapanlilinlang sa mga taong kanilang bibiktimahin!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.
The post USD$1.3 TRILLION KAYAMANANG DEPOSIT NG MARCOS? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: