Facebook

WELCOME BACK SAKLANG PATAY

Nakatanggap tayo ng intel report mula sa ating mga bubwit na nagsasaad ng ganito to quote…

“Bukas ay may pa-meeting umano ang isang gambling lord/OPERATOR ng sakla sa mga personel o mga balasador ng nasabing sugal-lupa upang pag-usapan ang pagbubukas ng kanilang operasyon sa Bacoor City.

May pro porma, ang lulutang ay hindi ang bangkero MISMO kungdi ang kanyang admin.

Ang bangkero ay isang casino financier na super bagyo kay MAYOR STRIKE REVILLA your honor sir”.

Ayaw ni Senator Bong Revilla at Congw. Lani Revilla ng sakla kasi direkta itong pa-hirap sa tao.

Apektado ang pamilyang umaasa sa ayuda ng pamahalaan, lalagyan pa ng sugal.

Inilibre nga ang palibing at pati pagsunog sa patay pero matindi naman ang bawi sa mga ordinaryong mamamayan na magugumon sa nasabing pasugal.

Malaking “weekly” mapupunta umano kay “mayor” kapag may patay.

Tuwing may latag, 2K sa puwesto o yung may-ari ng bahay o namatayan, 500 naman para sa pagkain, hiwalay ang intelihensya ng PCP, Intel Group, Bgy Kapitan,PD, R2, RD at iba.

Ang taas ng bilang ng mga nagkaka- dengue at Covid- sa Bacoor kung kaya’t nakakabahala talaga ang paglalagay ng mga ganitong pa-saklang-patay sa bawat barangay ng Bacoor dahil baka maging sanhi na hawahan at maging “super spreader”.

May full blast opening sa Sept 8, buti hindi Sept 9, araw ng kaarawan ni Mama Mary.

Bakit kaya nakonsensiyang patulan ito ni Mayor Strike.

May pulis umanong patong.

Di kaya nagagamit lamang ang pangalan ni Mayor Strike sa katarantaduhang ito ng ilang tulisan este kapulisan.

May kasunod…

Abangan.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post WELCOME BACK SAKLANG PATAY appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
WELCOME BACK SAKLANG PATAY WELCOME BACK SAKLANG PATAY Reviewed by misfitgympal on Setyembre 05, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.