Facebook

MAY NAKALIMUTAN SI SENATOR LEGARDA

NITONG nakaraang linggo lamang, halos nagpatutsadahan sina Senador Francis Tolentino at Loren Legarda sa isyu ng koneksiyon ng ilang opisyal ng pamahalaan sa mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

Ito ay matapos mahuli si Adora Faye de Vera, ang 66 year old na kapatid ni CHED Chairman Prospero de Vera, sa mga kasong pagpatay dahil sa kanyang kaugnayan sa CPP-NPA-NDF.

Kung inyong matatandaan, agad dumistansiya si CHED Chairman at sinabing mahigit 25 taon na niyang di nakikita o nakausap ang kanyang kapatid.

Kaya humirit na si Senador Tolentino na mahalagang isinisiwalat ng mga opisyal ng pamahalaan kung mayroon silang koneksiyon sa mga CPP-NPA-NDF, direkta man o hindi.

Agad naman sumalag si Senador Legarda at sinabing walang masama sa pakikipag-ugnayan sa mga CPP-NPA-NDF. At mismong siya nga raw ay nakaranas nito, at hanggang sa ngayon ay maaari siyang makipag-ugnayan sa mga ito.

Sa kabilang banda naglabas din ng pahayag ang National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC) na dapat raw ay naghihinay-hinay itong si Senador Legarda sa kanyang pagbubunyag.

Sa pamamagitan ni Prosecutor 2 Flosemer Chris Gonzales, taga-pagsalita ng NTF-ELCAC, sa larangan ng Legal Affairs, sinabi ng Task Force na ang pahayag ni Senador Legarda ay tila makakagulo lamang sa sentimiyento ng maraming Filipino na itinatakwil ang CPP-NPA-NDF.

Di raw dapat ginugulo ni Senador Legarda ang isipan ng marami sa atin, sa kanyang paniniwala na walang masama sa pakikipag-ugnayan sa mga komunistang-terorista o kahit na sa mga kaalyado nilang mga organisasyon.

Para sa Task Force at sa nakararaming Filipino, ang CPP-NPA-NDF ay deklarado na, na samahan ng mga terorista, di lamang dito sa ating bayan, kung di sa marami pang malalaking bansa.

Kaya nga di na kinausap ng nakaraang administrasyon ang anumang hangarin ng mga komunistang-terorista na magkaroon muli ng usapang pangkapayapaan, dahil sinusuway naman nila ang mga kasunduan dito. Sigurado rin ako na ang bagong administrasyon ni PBBM ay ganito rin ang turing sa CPP-NPA-NDF.

Tila nakalimutan nga ni Senador Legarda na ang CPP-NPA-NDF ay mga terorista.

The post MAY NAKALIMUTAN SI SENATOR LEGARDA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MAY NAKALIMUTAN SI SENATOR LEGARDA MAY NAKALIMUTAN SI SENATOR LEGARDA Reviewed by misfitgympal on Setyembre 04, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.