NASUNGKIT ni Filipino tennis player Francis Casey Alcantara ang kanyang ikatlong titulo sa doubles ngayon taon.
Ginapi ni Alcantara at kanyang partner Pruchya Isaro ng Thailand sina Yu Hsiou Hsu ng Chinese Thaipei at Wishaya Trongcharoenchaikul ng Thailand sa final ng US$25,000 Hai Dang Cup 2-6, 6-2, 10-3 sa Tay Ninh City ngayong weekend
“I’m happy to win again here in Vietnam. I achieved my goal this year already, I’m back to Top 300 with a few more tournaments left for this year,” Wika ni Alcantara sa online interview Martes.
“I have one more tournament here and hopefully, I can keep my winning form,” Dagdag pa nya.
Ang 30-year old netter na nagmula sa Cagayan de Oro City ay kasalukuyang No. 319 base sa Association of Tennis Professionals (ATP) rankings. Narating nya ang career-best No. 257 noong December 2018.
Si Alcantara ay No.329 matapos ang dalawang runner-up finishes sa Bangkok Open ATP Challenge Tour sa Nonthaburi City nakaraang buwan.
Ka teamed —up nya si Christopher Rungkat ng Indonesia sa dalawang events, na parehong may total cash prize na US$50,000. Nabigo sila sa No.3 seeds Benjamin Lock ng Zimbabwe at Yuta Shimizu ng Japan, 1-6,3-6, sa first tournament.
Unang nakatambal ni Alcantara si Rungkat sa 2016 ITF Futures 2, na US$10,000 event na ginanap sa Hong Kong.Nakapasok sila sa semifinal round pero sumuko kina Markus Kerner ng Estona at Mikelis Libletis ng Latvia, 3-6,7-10.
Nasilo ni Alcantara ang 2019 SEA Games doubles title kasama si Jeson Patrombon. Naging miyembro ng Philippine Davis Cup team noong 2005.
The post Alcantara nasungkit ang ikatlong titulo sa doubles appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: