Facebook

Eumir Marcial vs Steven Pichardo kasado na

HANDA na ang Olympic medalist Eumir Felix Marcial para sa kaniyang susunod na laban kay American boxer Steven Pichardo.

Gaganapin ang six-round middleweight fight sa Carson, California sa Oktubre 9.

Sinimulan na nito ang kaniyang training camp noon pang nakaraang mga buwan sa Las Vegas.

Ilan sa mga naging sparring partner nito ang kapwa Pinoy boxer na si Jerwin Ancajas.

Mayroong malinis na record ang Filipino middleweight boxer na dalawang panalo at walang talo na mayroong isang knockout habang ang 6 foot-1 boxer ay mayroong walong panalo, dalawang talo at isang draw na mayroong dalawang knockouts.

Huling lumaban si Marcial noong Abril ng talunin niya sa pamamagitang ikaapat na round sa pamamagitan ng TKO si Isiah Hart.

The post Eumir Marcial vs Steven Pichardo kasado na appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Eumir Marcial vs Steven Pichardo kasado na Eumir Marcial vs Steven Pichardo kasado na Reviewed by misfitgympal on Oktubre 04, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.