LOVE your elders.
Ito ang panawagan ni Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng residente ng kabisera ng bansa, lalo na sa mga kabataan, kasabay ng kanyang pag-anunsyo nang updated release ng monthly financial aid na ibinibigay ng pamahalaang lungsod sa mga elderly citizens ng lungsod, sa kanyang pakikiisa sa selebrasyon ng Filipino Elderly Week.
Sinabi ni Lacuna noong Lunes na ipinasa na ng pamahalaang lungsod sa mga barangay chairmen at treasurer ng District 1 ang pondo para sa mga senior citizens’ monthly allowance para sa buwan ng May hanggang August 2022.
Sa P500 cash na ayuda kada buwan, ang bawat isang senior citizen ay tatanggap ng P2,000 para sa apat na buwan.
Ayon pa kay Lacuna, ang diatribusyon ng updated monthly allowances para sa senior citizens ng Districts 2, 3, 4, 5 at 6 ay awtomatikong susunod na.
Nanawagan ang lady mayor sa mga residente ng Maynila na alagaan ang kanilang mga magulang, mga lolo at lola sa lahat ng oras.
Tiniyak din ni Lacuna na ginagawa ng pamahalaang lungsod ang lahat ng makakaya nito upang alagaan ang mga nakatatandang mamamayan nito.
Ayon sa kanya, maliban sa tuloy-tuloy na vaccination para sa mga senior citizens sa pangangasiwa ng Manila Health Department sa pamumuno ni Dr. Poks Pangan, ang office of the senior citizens’ affairs o OSCA ay nagkakaloob din ng tinapay at gatas para sa lahat ng nag-a-apply ng senior citizen cards o IDs sa tanggapan ng OSCA.
“Asahan po ninyo ang patuloy na pagkalinga at pagmamahal na ipadarama natin sa Maynila para sa lahat ng ating nakatatandang Manilenyo. Muli po, happy elderly week mga minamahal naming nanay tatay lolo at lola. Mabuhay!,” pahayag ni Lacuna sa kanyang mensahe sa mga senior citizens.
Ang unang linggo ng October ay dineklara bilang Elderly Filipino Week, sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 470, s. 1994 bilang pagkilala sa mga natatanging papel na ginampanan at mga naiambag ng mga nakatatanda sa lipunan. (ANDI GARCIA)
The post “Love your elders” – Mayor Honey appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: