Facebook

Pag-ambush sa former Dipaculao Aurora Vice Mayor Amansec kinondena ni Cong. Angara!

Mariing kinondena ni Aurora Province Congressman Rommel Angara ang nangyaring pag-ambush sa dating Board member at naging Vice Mayor ng Munisipalidad ng Dipaculao Aurora na ikinasawi ni Narciso Amansec at dalawa pa nitong kasamahan.

Ayon sa pahayag ni Angara, “Malungkot kong ibinabalita ang nangyaring insidente na naging sanhi ng pagpanaw ng ating kababayan na si dating bokal at dating vice-mayor ng Dipaculao Amansec.

Sinabi ng Mambabatas na marahas na pinaslang na walang kalaban laban ang dating vice mayor sa Brgy. Dibutunan kasama ang dalawa pang lulan din ng kanilang sasakyan na di pa nakuha ang pagka-kakilanlan.

“Mariin kong kinokondena ang walang awang pagpaslang sa isang kaalyado at kaibigan. Hindi maaaring kunsintihin ang anumang karahasan at kawalang katarungang kagaya nito, lalo na dito sa Probinsya ng Aurora. Sana po ay ito ay agarang ma solusyonan upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima at tinatawagan ko ang ating mga law enforcement agencies na magsagawa ng mabilis at masusing imbestigasyon upang mapanagot ang lahat ng may sala” pahayag ni Angara.

“Ang mga ganitong pangyayari ay walang lugar dito sa ating lipunan at kailangang ikondena ng naaayon sa batas. Ipinaaabot ko ang aking lubos na pakikiramay sa naiwang pamilya at mahal sa buhay ng mga naging biktima. Paalam Nar!” Ani ng Mambabatas.

Base sa nakalap na impormasyon ang napaslang na dating vice mayor at board member ay tumakbo bilang vice governor ng Aurora Province kung saan buong tapang nitong ibinulgar ang umano’y ilegal na pag imprenta ng election materials ng kasalukuyang gobernador na si Jerry Noveras, sa kasalukuyan habang dinidinig ang kaso sa local prosecutors office na inihain ng biktima laban sa gobernador. (Cesar Barquilla)

The post Pag-ambush sa former Dipaculao Aurora Vice Mayor Amansec kinondena ni Cong. Angara! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pag-ambush sa former Dipaculao Aurora Vice Mayor Amansec kinondena ni Cong. Angara! Pag-ambush sa former Dipaculao Aurora Vice Mayor Amansec kinondena ni Cong. Angara! Reviewed by misfitgympal on Oktubre 03, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.