PIRMA nalang ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. ang kulang para maging batas ang SIM CARD REGISTRATION BILL.
Ang bill na ito, pati ang postponement ng Barangay at Sangguniang Kabataan (BSKE), ay sinelyuhan na ng House at Senate leaderships nitong Martes.
Oo! Dapat pirmahan agad ito ni PBBM pagdating sa kanyang lamesa, huwag nang patagalin pa. Dahil kailangan nang masawata ang talamak na text scams. Napakarami na nating kababayan ang naging biktima ng mga “budol-budol” na text.
Kapag naging batas na ang SIM CARD REGISTRATION, lahat ng sim cards sa merkado ay ide-deactivate, pati ang ginagamit mong sim ngayon.
Para ma-activate ang sim card, kailangan mong mag-aplay sa telephone company (telco) ng gamit mong sim. Halimbawa ang sim mo ay Smart, sa Smart ka magpaparehistrto. Kung Globe, sa Globe ka mag-aaplay.
Paano mag-aplay? Ito’y online. May mga sasagutin kang katanungan roon tulad ng kumpleto mong pangalan, address at screen shoot ng iyong govt. identification card tulad ng National ID, Driver’s License or Voter’s ID.
Pagkatapos mong masagutan at maibigay ang requirements na hinihingi ng telco, doon palang gagana ang simcard mong nabili o ang simcard mong ginagamit.
At kapag nawala naman ang iyong sim card, kailangan i-report mo agad ito sa pulisya para hindi ka madiin kapag ginamit ito sa panloloko. Maliwanag?
***
Kung ganun kabilis ang pag-encourage natin kay PBBM na pirmahan agad ang SIM CARD REGISTATION BILL, ganun din kabilis ang dapat niyang gawin sa pag-veto o pagbasura sa panukalang pagpaliban sa Barangay at SK Elections.
Kung ang mga rason lamang ng mga mambabatas sa pagpaliban sa BSKE ay upang gamitin ang pondo sa pagbangon ng bansa sa pandemya ng Covid-19, makatipid sa pondo, paghilom sa sugat na dulot ng nakaraang eleksyon, at pagsaayos sa termino ng barangay officials at SK, walang saysay ang mga ito ito. Bakit?
Ang 2022 BSKE ay may sariling pondo na inilaan ng kongreso noong 2021.
Ang pagpaliban ng BSKE ay lalong magdodoble sa gastos, sabi mismo ng Department of Budget at Comelec. Imbes na P8.4 billion ay magiging P18 billion.
Ang paglaban naman sa Covid-19 ay may nakalaang pondo na nakapaloob sa Bayanihan 2 na isinabatas rin noong 2021.
At ‘di tayo kunpormi sa rason na ang nakaraang eleksiyon ay nagdulot ng sugat at pagkahati-hati nating mga Pinoy. Dahil ito’y talagang nangyayari kada eleksyon, nahahati ang damdamin ng mamamayan dahil iba-iba ang sinusuportahang kandidato.
Tungkol naman sa rason na baguhin muna ang termino ng barangay at SK officials, hindi tayo tutol dyan. Gusto nga nating gawin nalang 5 years with one reelection o 6 years fix (walang reelection) para rin mapagbigyan ang mga gusto rin manungkulan sa barangay.
Pero dapat bago gawin ang pagbago sa termino ng barangay at SK officials, dapat ituloy na muna ang BSKE sa Disyembre 5, 2022. Dahil over staying na ang mga kasalukuyang opisyal, matatanda na, tamad nang magtrabaho, at abusado narin. Ito po ang mga punto ko!!!
The post PBBM pirmahan agad ang Sim Card Registration Bill; Postponement ng BSKE Bill ibasura appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: