Kahanga-hanga ang naging reaksyon ni Justice Secretary Boying Remulla sa kapalarang sinapit ng anak.
Hindi natin personal na kilala ang Kalihim ng DOJ ngunit talagang pinahanga tayo ng mamang taga-Cavite nang diretsahang sabihin nito sa publiko na hinding-hindi nito pakikialaman ang kasong kinakaharap ng kanyang panganay na anak.
Ito ay makaraang mahuli ng PDEA ang anak nitong lalaki na si Juanito Jose Diaz Remulla III sa pagtataglay ng ipinagbabawal na kush, isang uri ng high grade marijuana.
Nasampahan na ng kaukulang kaso ang batang Remulla sa Las Pinas City Prosecutor’s Office Huwebes ng umaga.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) spokesperson Dir. Derrick Carreon, sinampahan si Remulla ng paglabag sa Section 4 o importation of dangerous drugs sa ilalim ng Article 2 ng Republic Act 9165 o kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2022.
Bukod pa dito ay nasampahan na rin ito ng kasong paglabag sa Section 1401 ng Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.
Nananatili kasalukuyan sa kustodiya na ng PDEA detention facility si Remulla habang inaantay ang kautusan mula sa korte.
Isa itong magandang precedent sa iba pang opisyal ng pamahalaan kung saan, direktang nagpahayag si Sec. Remulla na “hands off” siya sa kaso ng anak.
Hindi kagaya ng iba nating kilalang opisyal ng gobyerno na kahit pa nga mga kumpareng putik lang at malalayong kamag-anak ay nilulutangan at inaarbor ang kaso.
Hindi kunsintidor na ama ang Kalihim ng DOJ.
Maging leksyon na rin ito sa iba pa d’yang indibidwal na nabibilang sa mayayaman at maimpluwensiyang pamilya na huwag maging pasaway at subukang paglaruan ang batas.
Sa kaso ng batang Remulla, mismong ang ama nitong si DOJ. Boying Remulla ang nagpahayag na hahayaan nitong harapin ng kanyang anak ang “consequence” na kanyang nagawa at napasukan gusot.
Hindi natin sinasabi na “guilty” ang batang Remulla sa inaakusa laban sa kanya,ngunit napabilib talaga tayo sa naging matatag na disposisyon ng kanyang amang DOJ Secretary Remulla.
Hinayaan nitong lumakad ang batas at proseso na patunay ng kanyang matibay na paggalang sa hustisya at sa sadragong tungkuling kanyang hinahawakan.
Hindi madali para sa isang ama ang ipinakitang ehemplo ni Sec. Boying ngunit batid at ramdam natin ang tibay ng pananalig nito sa batas na kanyang pinaiiral.
“Sab inga, “nakapiring ang hustisya” para sa lahat at wala itong kinikilalang kung sino man, maging ito man ay kanyang sariling dugo at laman.
Nakikisimpatya tayo sa sitwasyon ng mahal na Kalihim, ngunit kung tayo man ang nasa kanyang kalagayan, marahil ay ito rin ang ating gagawin.
Masakit man at sadyang may kirot sa dibdib,paiiraling sadya ang nararapat at wasto.
God Bless you Boss Boying.
My snappy salute to you Mr. Secretary sir.
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post BLOOD IS NOT THICKER THAN WATER FOR DOJ SEC. BOYING REMULLA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: