Sinimulan ng Caloocan City ang pagsisimula ng Tourism Week sa pamamagitan ng ‘Arangkada Motorsiklo’ event na nagpapakita sa lungsod bilang tahanan ng lahat ng motorsiklo mula sa mga piyesa, accessories at bike nito Sabado ( Oct. 1).
Ipinahayag ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan na bahagi ito ng kampanya ng pamahalaang lungsod na lalo pang makilala ang Caloocan bilang ‘Motorcycle Capital’ sa rehiyon.
“Nais natin makilala pa tayo bilang Motorcycle Capital. Sa pagdiriwang ito, makikita ng mga negosyante at motorcycle enthusiasts ang ating dedikasyon na maging bahagi ang pagmomotorsiklo ng pagiging Batang Kankaloo,” wika ni Mayor Along.
Sinimulan ng Cultural Affairs and Tourism Office (CATO) ang nasabing aktibidad sa pamamagitan ng parada ng motorsiklo sa 10th Avenue Ext. sa B. Serrano St., na nagpapakita ng iba’t ibang mga tindig at modelo ng motorsiklo.
Sinundan ito ng festival dance competition, “Festiv-Aliwan sa Caloocan,” kung saan itinatampok ng mga magkakatunggali ang kultura ng sayaw sa buong panahon.
Mayron din mga booths ang nakita sa event na kinabibilangan ng discounted sale ng motorcycle parts at accessories, free service booth, product display, test drive booth at iba pang activity areas para sa mga dumalo.
The post CALOOCAN SINIMULAN ANG TOURISM WEEK SA ‘ARANGKADA MOTORSIKLO MOTORFEST’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: