NABALOT sa matinding pangangamba ang maraming mamamahayag dahil sa pananambang kay Percival Mabasa, aka Percy Lapid, ang tinig sa programang Lapid Fire sa estasyong dwBL. Pinatay si Ka Percy habang papasok siya sa village sa Talon, Las Piñas City noong gabi ng Oktubre 3. Agad tumakas ang salarin pero nahagip ito ng CCTV camera ng village. Agarang nangako ang hepe ng Las Piñas City Police na reresolbahin nila ang pagpatay kay Ka Percy. Alam natin na kritiko si Ka Percy, lalo na sa mapanglamang at mapang-api, lalo na ang mga nakaluklok sa gobyerno. Hindi lingid sa kaalaman na matabil ang kanyang komentaryo lalo na sa nakaraang administrasyon ni Rodrigo Duterte, na kung saan nagmula ang karamihan ng problemang kinakaharap natin ngayon. Bago siya patayin ang puntirya ang matalim niyang komentaryo sa paglaganap ng operasyon ng mga kompanyang POGO na pinayagan ni Duterte.
Dahil ilegal ang mga ito sa pinanggalingan na bansa at itinakwil sila ng ibang bansa tulad ng Cambodia dahil natuklsan na mga sindikatong kriminal ang nagpapalakad nito, halos araw-araw ang batikos ni Ka Percy sa kanila. Hindi ang pagpasok nila, kundi ang napapasok sa kanila, maging ang naatasan na asong-bantay katulad ng mga pro-POGO na senador. Kasama si Boying Kabise Remulla, mga tentacles sa BOC at PNP. Si Ka Percy ang nagsiwalat at nagkumpirma na ang mga nagbabantay sa kanila at nagsisilbing mga escort at bodyguard ay mga miyembro ng PNP. Sa mga huling bahagi ng kanyang buhay, binatikos ni Ka Percy Lapid ang “red tagging” ni Lorraine Badoy at mga kasapakat niya sa NTF-ECLAC. Si Badoy ay tagapagsalita nito sa administrasyon ni Duterte na naging notoryus sa laganap na pagpatay at paglabag sa karapatang pantao.
Inantabayanan din ni Ka Percy ang pagkilos ng International Criminal Court, o ICC, sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa extrajudicial killings, o EJKs. Hindi nakailag sa balikwas ng kritisismo niya si BBM. Umani ng magkabilang buntal ang administrasyon dahil sa halip na harapin ang mga suliranin ng bansa, naging highlight ang magarbong party at biyahe na nagmukhang mga junket dahil umiikot ito sa panonood ng karera ng F1 at concert ni Eric Clapton. Hindi nakatakas ang administrasyon ni BBM sa samut-saring kontrobersiya bunga ng kanilang palpak na gawain. Naging matunog ang blogger na ginawa niyang press secretary na sa kalaunan ginawang parang “a day in a life” sa Facebook ang kanyang press release. Ngayon, ang tanong: SINO ANG NAGPAPATAY KAY KA PERCY? Siguro sagutin ko ito sa pamamagitan ng isang tanong: SINO ANG MAKIKINABANG NG LUBOS SA PAGKAMATAY NI KA PERCY?
Hindi pa lumalamig ang bangkay ni Ka Percy, nariyan na ang mga dumepensa na kasama ang dati at kasalukuyng administrasyon. Ang kanilang pananalita ay nagmistulang utot umaalingasaw. Nagsalita ang bulaang pastor Apollo Quiboloy na kilalang kasapakat ng Tata Digong ninyo. Ayon sa gagong ito, ang CPP/NPA ang may kagagawan ng pagpaslang kay Ka Percy. Ewan ko lang kung ibinulong ito sa kanya ng Diyos, dahil, ayon sa kanya, siya si Hesukristo. Mabuti hindi niya idinawit ang FBI kung saan mayroon siyang standing warrant of arrest sa US dahil sa human trafficking at money laundering. Ito rin ang utot ni Larry Gadon na nakita sa CPP/NPA ang pinakamadaling sangkalan, ayon sa fascist playbook ng kanyang poon si Marcos Sr. isa lang ang nagpapatay kay Ka Percy, at ito ang lubos na nakikinabang sa kanyang kamatayan. Sila ang may bakas ng dugo sa kanilang mga kamaay. At ang lahat ng nagnanais ng matinong pamamahala ay absuelto.
Sa dialogue ng namayapang hari ng pelikulang Pilipino sa pelikula: KAPAG PUNO NA ANG SALOP. Huwag ka mag-alaala Ka Percy. Mamahinga at tandaan mo: PAGPATAY SA ISANG MAMAMAHAYAG, SAMPUNG MAMAMAHAYAG ANG TATAYO UPANG PUNAHIN ANG PAGKAWALA NITO. Mamahinga ka Ka Percy, at inaabot ng maliit na kolumnistang ito ang taos-pusong pakikiramay sa iyong mga mahal sa buhay.
***
Mga Harbat Sa Lambat:
“No hypothetical framing justifies what is tantamount to an open public threat against a lawful public official… Her outright red tagging is not only patently ridiculous; it is also dangerous because it has made them targets of hate and violence… “- Fidel Nemenzo, UP Chancellor
Bypassed by the CA:
* Trixie Angeles (Spox)
* Jose Calida (COA)
* Ben Diokno (DOF)
* Erwin Tulfo (DSWD)
* Jaime Bautista (DOTR)
* Acuzar (DUD&HS)
* Arsenio Balisacan (NEDA)
* via Ajing Abad
The post KAPAG PUNO ANG SALOP, KALUSIN appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: