BUKAS na muli sa publiko ang Manila North Cemetery at Manila South Cemetery sa nalalapit na paggunita sa Undas.
Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, maaari nang dalawin ng publiko ang mga puntod ng mga yumao nilang mahal sa buhay mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2.
Sa kabila naman nito, hindi pa rin papayagan na makapasok ng sementeryo ang mga batang ang edad ay 12-anyos pababa lamang dahil marami pa rin sa mga ito ang hindi pa bakunado laban sa COVID-19.
Nagpaalala rin si Lacuna na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagdadala ng mga nakalalasing na inumin, matatalas na bagay, mga armas, baraha, malakas na sound system at iba pa, sa loob ng sementeryo.
Bawal pa rin ang paglilibing sa panahon ng Undas.
Noong 2020 at 2021 kung kailan kasagsagan ng pandemya, ay ipinag-utos ng pamahalaang lungsod ang pagsasara sa mga sementeryo upang maiwasan ang posibleng hawahan ng COVID-19. (ANDI GARCIA)
The post Manila North at South Cemeteries, open na sa publiko sa Undas appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: