Facebook

Nasira ang Remullas; at paano na ang mga mawawalan ng trabaho sa POGO?

KALIWA’T KANANG batikos at pag-aalipusta ang inaabot ngayon ng pamilya ng kinikilalang PADER ng Cavite, ang REMULLA, na ilang dekada na ngayong ‘di matibag-tibag sa politika sa probinsiya.

Ang sumira lang sa pamilya ay ang anak ni Justice Secretary Crispin “Boying” Remulla na si Juanito lll, kapangalan ng yumao nitong lolo na unang naging gobernador ng Cavite. Si Boying ay naging gobernor din ng probinsiya.

Si Juanito lll, 38 anyos, pamangkin ng kasalukuyang Cavite Governor na si Jonvic at dating Congressman/Journalist ngayo’y negosyanteng si Gilbert Remulla, ay nakasuhan ng illegal importation of illegal drugs (high-grade marijuana mula sa Amerika) matapos niyang tanggapin ang isang controlled delivery na kahon na naka-consignee sa kanya at droga ang laman.

Nag-twitt naman si Gilbert sa pagkaaresto sa kanyang pamangkin: “drug pushers and lords are the lowest forms of human who destroy individuals, families and societies.”

“Many families have crosses to bear. This is ours. Drug addiction is the scourge that ruins lives, tears families apart and breaks loving hearts,” Twitt pa ni Gilbert.

Sagot ng netizens: #BongBongKulong: “pamilya niyo drug trafficker.”

“Does your pamangkin fall into the same category as drug pusher o drug lord?” – MonR

Sa pagkahuli kay Juanito lll sa iligal na droga, ito na kaya ang magiging wakas ng Remulla sa politika?

***

Sinasabi ng iilang grupo at personalidad na anti-Philippine Offshore Gaming Operators na halos ganap nang nakakabangon ang ating ekonomiya kung kaya pabor sila na paalisin ang mga POGO sa bansa at palakasin na lamang ang ibang industriya.

Madali itong sabihin para sa mayayaman at nakaaangat sa buhay tulad ng ilang senador at miyembro ng economic team ng pamahalaan na kontra POGO.

Dahil narin sa kanilang pribelehiyo at magandang katayuan sa buhay ay parang binalewala nila ang lampas 23,000 Pinoy na mawawalan ng trabaho ‘pag tuluyang nagdesisyon ang pamahalaan na itigil na ang POGO.

Konserbatibo pa ang nasabing numero dahil ito’y kumakatawan lamang sa mga manggagawa na mga kasapi ng Association of Service Providers and POGO (ASPAP) na galing sa 16 PAGCOR-licensed POGOs at 68 service providers. Ang totoong bilang ng mga Pinoy na maaaring madagdag sa mga tambay ( 2.68 milyon) ay papalo ng 50,000 o higit pa kapag nilusaw ang POGO.

Papaano na sila? Hirit ng isang senador, na tila kulang sa pagmamalasakit sa ating mga manggagawa, madali naman daw silang makakahanap ng trabaho dahil skilled and competent ang mga ito. Sinabi naman ng isa pang senador na puwede naman silang saluhin ng BPO industry.

Sa parte ng economic managers, partikular ang mga opisyal ng National Economic Development Authority (NEDA), naniniwala ang mga ito na maaari naman na makahatak ng foreign investors at makalikha ng trabaho kung maipatutupad ng tama ang tax reform laws.

Ibig bang sabihin ng mga senador at ng NEDA ay maghintay na lamang ang mga mawawalan ng trabaho sa POGO? Papaano na ang kakainin ng kanilang mga pamilya? Hindi naman mapapalitan agad ang mga nawalang trabaho sa loob ng isang buwan. Mismo!

Tandaan… nasa krisis parin tayo ng pandemya sa gitna ng matinding inflation rate, napakataas na presyo ng gasolina at krudo, at hindi magandang foreign exchange.

Lalong lalala ang problema ‘pag winalis ang POGO sa Pinas. Yes! Lolobo ang jobless. Magpa-PASKO pa naman. Araguy!!!

The post Nasira ang Remullas; at paano na ang mga mawawalan ng trabaho sa POGO? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Nasira ang Remullas; at paano na ang mga mawawalan ng trabaho sa POGO? Nasira ang Remullas; at paano na ang mga mawawalan ng trabaho sa POGO? Reviewed by misfitgympal on Oktubre 16, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.