Facebook

PROYEKTO NG NHA; BUILD BETTER BBM HOUSING!

Bahagi sa naging selebrasyon ng ika-47th Anniversary ng NATIONAL HOUSING AUTHORITY (NHA) nitong nakaraang Linggo sa pangunguna ng bagong naitalagang si GENERAL MANAGER JOEBEN TAI ay inilunsad ang temang “NHA @ 47 BAGONG BUHAY, MAGANDANG BUHAY, HANDOG NA TUNAY” na proyektong BBM HOUSING- BUILD BETTER AND MORE HOUSING.

Ang naturang proyekto ang lulutas at pupuno sa HOUSING BACKLOGS para maipagkaloob ang ligtas at kalidad na pamamahay para sa FILIPINO FAMILIES.

Nitong October 10 ang NHA 47th Anniversary na inihayag ni GM TAI ang kaniyang sinserong maisakatuparan ng kanilang ahensiya na makalikha ng iba’t ibang programa at proyekto upang matiyak na ang FILIPINO FAMILIES na mabigyan ng oportunidad at magandang buhay.

Sa mahigit 2-buwan na pagsisimula sa panunungkulan ni GM TAI ay inaprubahan nito ang paglalabas ng P270 milyon bilang financial assistance sa mga naapektuhan ng magnitude 7 earthquake sa mga probinsiya ng ABRA at ILOCOS SUR sa pamamagitan ng EMERGENCY HOUSING ASSISTANCE PROGRAM (EHAP) na ipinamahagi nitong August 12, 2022.., na 26,280 families ang tumanggap ng CASH ASSISTANCE

Nitong September 6, 2022 ang NHA ay nagkaloob ng HOUSING UNITS sa 531 benepisaryo mula sa SAN JOSE DEL MONTE, BULACAN na idinaos ang awarding sa pangunguna ni GM TAI sa SAN JOSE DEL MONTE CITY CONVENTION CENTER, BRGY. SAPANG PALAY PROPER.

Matapos niyan ay idinaos naman ang BLESSING CEREMONY ng NHA HOUSING PROJECT na laan sa mga miyembro ng PRESIDENTIAL SECURITY GROUP (PSG) na isinagawa noong September 9, 2022 sa MALACAÑANG PARK, MANILA.., na sumisimbulo bilang pagkilala sa katapatan at pagdedepensa sa seguridad sa buhay ng PRESIDENT at sa pamilya nito.

Si GM TAI ay nagsagawa rin ng pagsisiyasat sa iba’t ibang mga NHA HOUSING PROJECTS bilang pagtiyak sa garantiyang maganda ang kalidad ng mga bahay na ipinatayo para sa HOMELESS at LOW-INCOME FAMILIES.., na ang Ilan sa mga tinungo ay ang mga NHA HOUSING PROJECTS sa mga probinsiya ng ILOCOS SUR, LA UMION, PANGASINAN, PAMPANGA at ZAMBOANGA.

Dapat ay huwag lang humangga sa INSPECTION ONLY.. , dahil marami ang natatanggap na impormasyong ang ARYA na SUB-STANDARD ang pagkakagawa sa mga itinayong bahay dahil pinagkakasya lang ng CONTRACTOR ang kakarampot sa natirang budget.., kasi, ang inilaang financial budget para sa pagpapatayo ay humahati pa halimbawa ang SEBATOR, CONGRESSMAN, GOVERNOR o MAYOR at may iba pang GOVERNMENT OFFICIAL na nakiki-komisyon kaya halos karampot na lamang ang natirang budget.., resulta, ISTRAKTURANG AMPAW ang kinalalabasan!

Dapat ay alamin ng ahensiya ang mga PERSONALIDAD na nagsibawas sa budget ng bawat proyekto at ipagharap ng kaukulang kaso ang lahat ng sangkot upang mawakasan na ang kurapsiyon sa gobyerno.., na kung magagawa ang gayong sistema ay TUNAY nang paniniwalaan ng sambayanan na ang “GOVERNMENT HATES CORRUPTIONS!”

Bukod diyan, dapat inaalam din ng NHA kung ang mga LEGIT BENEFICIARY pa rin ba ang nagmamay-ari sa mga ini-award na mga bahay? Kasi po.., maraming mga na-awardan ang wala pang isang taon ay ibinebenta na ang kanilang yunit gayong bawal munang Ibenta ang yunit hanggang matapos ang taon na itinakda ng gobyerno para sa ganap na pagmamay-ari sa yunit ng benepisaryo.

Hindi lamang mga CORRUPT OFFICIAL ang papanagutin kundi maging ang mga benepisaryong hindi nagpahalaga sa mga yunit na ipinagkaloob sa kanila ng gobyerno ay dapat lamang silang mapanagot!

Wish ng ARYA kay GM TAI.., ipakita sa sambayanan ang paghabol at mapanagot ang lahat ng mga naging CORRUPT sa NHA HOUSING PROJECTS para sa gayon ang BBM HOUSING PROJECTS ay maging garantisadong matibay at safe para maging tirahan ng bawat pamilya.., dahil ang inilaang budget ay ibubuhos para sa pagbili ng mga kagamitan sa pagpapatayo ng mga istraktura!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.

The post PROYEKTO NG NHA; BUILD BETTER BBM HOUSING! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PROYEKTO NG NHA; BUILD BETTER BBM HOUSING! PROYEKTO NG NHA; BUILD BETTER BBM HOUSING! Reviewed by misfitgympal on Oktubre 16, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.