Ni ARCHIE LIAO
PARA sa magaling at award-winning director na si Crisanto Aquino, iba ang intensity ni Sean de Guzman pagdating sa acting na idinirehe niya sa pelikulang “Relyebo.”
Kaya naman, para sa kanya, deserving na manalo ito ng two international best actor awards para sa pelikulang Fall Guy sa ginanap na CHITHIRAM International Film Festival sa India at Anatalian Film Awards sa Turkey.
Katunayan, puring-puri niya ang work ethic ni Sean sa pinakabagong obrang idinirehe niya para sa Vivamax.
“Sean is a very sensible actor. Isa siya sa mga aktor sa henerasyon natin ngayon na masasabi kong maganda ang career path. Mahusay siya at very cooperative. Lagi siyang nagtatanong tungkol sa eksena na para sa akin ay magandang attitude para sa isang artista na gustong maintindihan ang ginagawa niya para mapalawig pa ang kanyang craft. At saka very intuitive rin siya. Minsan sa pag-eexecute ng mga eksena kapag alam niya pareho kaming hindi satisfied, siya na mismo ang nagsu-suggest na ulitin namin. Kumbaga, wala siyang kaere-ere dahil willing siyang mag-take two o three kami,” aniya. “Actually, nakikita ko sa kanya na he’s a Coco Martin in the making at malayo pa ang mararating niya,” pahabol niya.
First adult-themed movie ni Direk Crisanto ang “Relyebo” pagkatapos ng kanyang 2019 MMFF movie na “Write About Love” na humakot ng maraming acting at technical awards sa nasabing filmfest at nag-uwi ng prestihiyosong ABC Award sa 2020 Osaka Film Festival.
Ayon pa kay Direk Crisanto, ginawa niya ang “Relyebo” para i-challenge ang sarili na kaya rin niyang gumawa ng ibang genres maliban sa love story.
“As a writer and director, magandang challenge ito to test my flexibility if I can adapt also to other genres,” sey niya. “Itong Relyebo ay isang hamon sa akin para sa Vivamax na gumawa ng isang pelikula na kahit may mga sex scenes ay buo pa rin ang kwento at masasabi mong isa itong pelikula na dapat panoorin ng mga Pilipino dahil kwento natin ito, ganito tayo, lahat tayo ay nagkakamali at sa huli, kailangan nating maintindihan ang proseso ng pagpapatawad at pagbabago,” dugtong niya.
Ang Relyebo ay kuwento ng isang security guard na naging obsessed sa isang misteryosang babae sa apartment na binabantayan niya na naging mitsa para masira ang relasyon niya sa kanyang asawa.
Pinagbibidahan nina Sean de Guzman, Christine Bermas at Jela Cuenca, palabas na ang pelikula sa Vivamax simula sa Oktubre 14.
The post Sean de Guzman sumusunod sa yapak ni Coco Martin appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: