Facebook

Para maibangon ang ekonomiya: PAGPAPAGAAN PA NG HEALTH PROTOCOLS SUPORTADO NI BONG GO

Upang mapabilis ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa, inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na suportado niya ang mga mungkahi na lalo pang i-relax ang mga regulasyon sa kalusugan. Gayunpaman, binigyang-diin niya ang pangangailangang patuloy na protektahan ang buhay ng mga Pilipino mula sa mga panganib sa kalusugan.

“Sang-ayon naman po ako dito, basta importante kayang kontrolin ng ating mga awtoridad, ng ating health officials na hindi tumaas ang kaso (ng nagkakasakit),” sabi ni Go matapos niyang ayudahan ang mga residente sa San Juan City.

Sinabi ni Go, pinuno ng Senate committee on health, na ang pagpapagaan sa mga regulasyong pangkalusugan ay maaaring makaakit ng mas maraming mamumuhunan na makatutulong sa paglikha ng mga trabaho at iba pang kita para sa mga Pilipino, lalo na sa mga lubos na naapektuhan ng pandemya.

“Important po ngayon magkaroon tayo ng more (economic activities)… tourists, investors na pumasok sa ating bansa dahil kailangan natin ito sa ating economic recovery,” ipinunto ni Go.

“Dahil marami po ang nawalan ng trabaho, tumaas ang unemployment rate… Kailangan natin makapagbigay ng maraming trabaho. More investors, more employment,” dagdag niya.

Hinimok ni Go ang mga Pilipino na manatiling mapagbantay sa pamamagitan ng pagsusuot ng mask hangga’t maaari sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID-19.

“Kaya nakikiusap nga ako sa mga kababayan natin na kung hindi naman sagabal on your part ay mag-face mask pa rin tayo dahil maaaring wala tayong sakit tapos pag uwi natin ng bahay, nand’yan, bitbit natin ang virus,” ani Go.

“Kaya ‘yung may comorbidity (mga kasama) sa bahay natin, ‘yung mga matatanda sila ang mahawa, sila pa ang mako-compromise. So, kung hindi po sagabal, patuloy pa rin tayong mag-face mask,” anang senador.

Hinikayat din ni Go ang Department of Health at local government units na tiyaking makararating ang mga bakuna at booster shot sa mga malalayong lugar upang matiyak na mas maraming Pilipino ang protektado mula sa COVID-19.

“May mga barangay health workers naman po kayo, may mga vaccinators naman po tayo, suyurin po natin sa mga liblib na lugar kung sino pa po ang hindi bakunado at sino pa po ang qualified ng booster na magpa-booster na po,” ayon kay Go.

Sa panayam, binigyang-diin din ni Go ang kahalagahan ng posisyon ng DOH secretary at kung paano makatutulong ang pagkakaroon ng isang tao sa posisyon sa pandemya sa bansa. Gayunpaman, binigyang-diin niya na nananatili siyang kuntento sa pagganap ni Dr. Maria Rosario Vergeire bilang officer-in-charge nito.

“S’yempre mas maganda kung mayroon nang full pledged DOH Secretary dahil nasa pandemya pa po tayo, nasa gitna tayo ng pandemya sa ngayon, kailangan po may nakatutok at nakatimon talaga dito,” aniya.

Habang hinahanap ng gobyerno ang susunod na kalihim ng kalusugan, pinaalalahanan ni Go ang DOH na palakasin pa ang pagtugon sa pandemya at pagsusumikap sa pagbabakuna upang mapangalagaan ang mga Pilipino mula sa virus.

The post Para maibangon ang ekonomiya: PAGPAPAGAAN PA NG HEALTH PROTOCOLS SUPORTADO NI BONG GO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Para maibangon ang ekonomiya: PAGPAPAGAAN PA NG HEALTH PROTOCOLS SUPORTADO NI BONG GO Para maibangon ang ekonomiya: PAGPAPAGAAN PA NG HEALTH PROTOCOLS SUPORTADO NI BONG GO Reviewed by misfitgympal on Oktubre 12, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.