TILA may katotohanan ang birada kamakailan ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa kay Philippine National Police Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. nang sabihin niyang “walang asim, walang arrive” ang kasalukuyang liderato ng Pambansang Kapulisan.
Ang pakiramdam kasi ngayon ng taumbayan, hindi kumikilos ang pulisya sa tungkulin nila bilang mga protektor ng lipunan, kaya naihayag ng dating PNP Chief- turned lawmaker na walang dating ang pamumuno ni Gen. Azurin Jr.
Kaliwat-kanan ang insidente ng krimen na dapat sanang sinusolusyonan ng pamunuan ni Gen. Azurin Jr. pero ang inaatupag ng mga pulis ay gumawa ng katiwalian, tulad ng pakikipagkutsaba sa mga kriminal at vice lords kaya nakalimutan na nila ang kanilang sinumpaang tungkulin sa taumbayan.
Hindi lang si Sen. Bato ang nakapansin sa kakuparan ngayon ng PNP na kung ikukumpara sa mga nagdaang hepe ng pambansang kapulisan ay walang binatbat itong si Gen Azurin Jr.
Dahil makupad, pakiwari natin ay nahawa na rin ang maraming opisyal ng PNP, tulad ni Region 4A Director PBGen. Jose Melencio Nartatez Jr. at Laguna Provincial Commander, P/ Col. Randy Glen Silvio na parehong tampulan ngayon ng batikos dahil ayaw umaksyon sa daing at sumbong ng taumbayan.
Ang PNP-R4A ay maitituring na isa, kundi man ang pinakamagulong lugar sa bansa dahil sa dami ng nangyayaring kriminalidad dahil bukod sa ito’y kanlungan ng mga halang ang kaluluwa, ang rehiyon ay sentro ng operasyon ng droga, iligal na sugal, paihi at kung ano ano pang kailigalan.
Ang operasyon ng mga iligal ay sumusulpot at dumarami sa CALABARZON area dahil hindi ginagawa ni Gen. Nartatez Jr. ang kanyang tungkulin bilang bossing ng kapulisan sa rehiyon, kaya di maiwasan na magsuspetsa ang mga anti-crime / vice crusaders na baka namamantikaan ang nguso ng heneral?
Sa buong CALABARZON napakatindi ang vice operations pero higit na matindi ang operasyon ng mga iligal sa probinsya ng Laguna dahil sa persepsyong nagpapabaya sa kanyang tungkulin si Col. Randy Glen Silvio bilang PD ng lalawigan?
Ayon sa mga ating mga SIKRETA, isang Sgt. Corpuz ang umiikot sa mga sugalan, paihi at drug dens sa laguna, para ipangolekta ng lingguhang tongpats ang mga pangalan nina Gen Azurin Jr., PBG Nartatez Jr. at Col Silvio.
Pagkat di sinasawata ni Col. Silvio si Corpuz- namamahay nga sa isipan ng mga anti-crime, vice crusaders at religious sector, ay baka alam ni Col. Silvio ang mga nagaganap na kabulastugang ito sa kanyang hurisdiksyon.
Ang ilan lamang sa mga mga kinikikilan ng sarhento sa pangalan nga nina Azurin Jr., Nartatez Jr. at Col. Silvio ay ang mga perya-sugalan (PERGALAN) operator at drug pusher ding sina Jessica- Brgy. Wawa, Juliet Brgy.Mayapa, Calamba City, Sta Rosa Complex, Sta Rosa City , Brgy. Sto Domingo, Sta Rosa City at Brgy. Bigaa, Cabuyao City, Venus- San Lorenzo, Sta Rosa City, Rowena na isa ding public school teacher-Brgy. Wawa at Aris-Brgy. Lumot, parehong sa bayan ng Calauan at Joebel-Brgy. San Lucas, San Pablo City.
Pasok din kay Sgt. Corpuz ang paihian o burikian ng petroleum product at iba pang produkto ni Ador sa likod ng Yakult Philippines at ang muti-milyong illegal parking operation ng Nofrada Gang, parehong sa Brgy. Makiling Calamba City at mga saklaan sa ibat-ibang lugar sa Canlalay, San Pedro City, Sta Rosa City at syudad ng Biñan.
Kabilang naman sa lingguhang tinatarahan din ni Sgt. Corpuz ay ang STL-con jueteng at STL-con drug maintainer na sina Pinky, Jayson, alias Tose, Orlan, Ruel A., Timmy, alias Hiwaga, alias Kap Ding at Timmy na nag-ooperate di lamang sa San Pablo City, kundi sa ibat-ibang siyudad at bayan sa Laguna, alias Sgt. Baretto sa Biñan City, Sta Rosa City at Lungsod ng Cabuyao, Niko sa Biñan City, Mayang at Melody- Sta Rosa City at Biñan City, Arvin at Bong sa bayan ng Rizal, retiradong pulis na si alias Eborra sa siyudad ng Sta Rosa at Biñan, Jess sa Sta Rosa, Tita sa mga siyudad ng Cabuyao at Calamba, alias Kon Manguiat na may rebisahan at salyahan ng shabu sa Brgy. Palao, Calamba City , Jun sa munisipalidad ng Los Baños, Osel at Kon Robert kapwa drug at gambling bosses ng bayan ng Calauan at Bong sa bayan ng Rizal.
Maraming pang multong itinatago si Sgt. Corpuz sa lalawigan ng Laguna tulad din ng mga anomalyang nagaganap sa Tanauan City,Batangas at iba pang panig ng CALABARZON area kung saan kinakaladkad din ng mga intelhencia kolektor ang mga pangalan nina PDG Azurin Jr. at R4A Director Nartatez Jr. Ang lahat ng ito ay di na dapat palampasin pa ng pamunuan ng PNP.
***
Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; sikretangpinas@gmail.com.
The post SGT CORPUZ BATIK SA LIDERATO NI GEN AZURIN, NARTATEZ AT COL SILVIO! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: