SA halip na magdiwang ng bonggang birthday party ngayong araw(Nov.12), namigay na lang ng tulong pinansyal at nutribun si Senadora Imee R. Marcos sa may 7,000 Caviteños.
Kabilang sa mga nabiyayaan ay mga senior citizens, PWDs, mga buntis at mga kabataan.
Nabiyayaan ng tig-tatlong libong piso ang apat na libong Caviteño mula sa DSWD-Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Umabot sa P12-milyon ang naipamigay ni Marcos sa mga benepisyaryo mula sa programa ng DSWD sa pamamagitan ng kanyang inisyatiba.
Nagpakain rin si Marcos ng mainit na arroz caldo at nutribun, kasabay ng pamimigay ng mga laruan sa may tatlong libong kabataan sa Dasmarinas, Gen. Trias, Noveleta at Cavite city.
Bukod sa AICS at Nutribuns, namahagi rin si Marcos ng mga gulay sa Noveleta na malubhang napinsala ng bagyong Paeng kamakailan. (CESAR MORALES)
The post 7,000 CAVITEÑOS, NAAYUDAHAN NI SEN. IMEE MARCOS appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: