Facebook

Bong Go dismayado sa NCAA brawl… ‘DAPAT BUGBUGIN DIN SI AMORES NA ‘YAN’

Nagpahayag ng pagkadismaya si Senate committee on sports chair, Senator Christopher “Bong” Go sa kinasangkutang gulo ni Jose Rizal University forward John Amores sa isang laban ng National Collegiate Athletic Association kontra College of St. Benilde.

Sa pagdinig ng Senado sa 2023 budget ng Philippine Sports Commission, hindi naiwasang ipakita ni Go ang kanyang galit sa nangyari at idiniin na walang lugar para sa marahas na pag-uugali sa basketball court.

“We promote sportsmanship. Fan ako ng basketball kaya nalulungkot ako sa nangyayari. Walang lugar sa sports ang court violence,” idiniin ni Go.

Sinabi ni Go na pinaalalahanan ng PSC ang NCAA at ang Samahan ng Basketbol ng Pilipinas na gumawa ng preventative measures upang matiyak na hindi na mauulit ang mga katulad na insidente.

Ang senador na nagtatanggol sa badyet ng PSC ay nagsabi na ang mga kinauukulan ay maaaring magpataw ng mga parusa para sa mga atleta na lumalabag sa mga patakaran at regulasyon nito, lalo na sa mga aksyon ng karahasan.

Ayon kay Go, binabantayan ng PSC ang anumang bagong pangyayari kaugnay ng insidente at isinasaalang-alang din ang mas maraming posibleng parusa laban kay Amores. Binabawalan na ng NCAA management committee at ng kanyang unibersidad sa paglalaro si Amores.

“Nakatutok dito ang PSC, lalo’t galit ang ating mamamayang Pilipino sa nangyari,” ani Go.

Naganap ang insidente sa huling quarter ng laro sa pagitan ng JRU at CSB sa FilOil EcoOil Center sa San Juan City noong Nobyembre 8. Pumasok si Amores sa bench ng CSB at sinuntok ang ilang manlalaro ng katunggaling koponan at nasaktan ang ilan sa kanila.

Kinondena ni Go ang kawalan ng sportsmanship at agresibong pag-uugali ni Amores sa loob ng court at idinagdag na dapat siyang turuan ng leksyon.

“Bilang isang basketball player at mamamayang Pilipino, ito ang sagot ko: Dapat bugbugin din ‘yung John Amores na ‘yan… (Pero) ako naman bilang committee chair on sports, we promote sportsmanship,” inihayag ni Go.

“The PSC is responsible in the promotion of sports.. and is tasked to coordinate all amateur sports development. The PSC is also empowered to impose penalties, among others, on athletes for violations of rules… The PSC must exercise its supervisory rights over amateur sports on this incident,” ipinaalala ng senador.

Isang mahilig sa sports, iniakda at inisponsoran ni Go ang panukala na naging Republic Act No. 11470. Ang batas, na nilagdaan ni dating pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo 2020, ay nagtatakda para sa pagtatatag ng National Academy of Sports sa New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac.

Nag-aalok ang NAS ng programa sa sekondaryang edukasyon na may pinagsamang espesyal na kurikulum sa palakasan na binuo sa malapit na pakikipag-ugnayan sa Kagawaran ng Edukasyon at PSC.

Itinulak din niya ang iba pang legislative measures para pangalagaan ang kapakanan ng mga atleta bilang bahagi ng sports development programs ng bansa. Dati, nagpahayag siya ng suporta sa pagtatatag ng Philippine Sports Training Center.###

The post Bong Go dismayado sa NCAA brawl… ‘DAPAT BUGBUGIN DIN SI AMORES NA ‘YAN’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go dismayado sa NCAA brawl… ‘DAPAT BUGBUGIN DIN SI AMORES NA ‘YAN’ Bong Go dismayado sa NCAA brawl… ‘DAPAT BUGBUGIN DIN SI AMORES NA ‘YAN’ Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 11, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.