ISINIWALAT ng mga awtoridad sa New Bilibid Prison (NBP) na may nadiskubre umanong isang tunnel sa ground ng national penitentiary.
Subalit hindi pa matukoy kung ito ay isang escape tunnel o kung ito ay ginawa ng mga dating opisyal ng Bilibid na naghukay umano ng gold.
Paliwanag naman ni Bureau of Corrections (BuCor) officer in charge Gregorio Catapang Jr., ang naturang tunnel ay parte ng isang excavation project na malapit sa Director’s Quarters, ang opisyal na residence ng BuCor director general.
Nagsimula ang naturang proyekto noong 2019 subalit hindi binanggit kung ito ay sa ilalim ng pamumuno noon ni dating BuCor director general Nicanor Faeldon o ng suspendidong si BuCor chief Gerald Bantag na humalili noong Setyembre ng taong iyon.
Subalit, malamang aniya ay nagsagawa ng gold hunting sa naturang lugar sa nagdaang BuCor administration.
Sinabi rin ni Catapang na wala namang permit na inisyu mula sa Department of Environment and Natural Resources para sa naturang excavation project.
Ayon pa sa BuCor official na kanilang iimbestigahan kung sangkot sa naturang excavation project si Bantag subalit iginiit nito na hindi aniya maisasagawa ang naturang proyekto kung hindi ito alam ng opisyal na nasa Director’s Quarters.
Hindi pa matukoy kung gaaano kahaba ang naturang tunnel na patungo sa Director’s Quarters swimming pool at ang dulo nito ay sa Poblacion River sa katarungan Village sa loob ng NBP reservation.
The post TUNNEL SA BILIBID NADISKUBRE appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: