Facebook

ACT-CIS DISMAYADO SA MGA SIRANG RFID SA SLEX

DISMAYADO si Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) Partylist Representative Jeffrey Soriano hinggil sa umano’y faulty Radiofrequency Identification (RFID) collection system sa South Luzon Expressway (SLEX).

Ayon kay Soriano, marami silang natanggap na report kaugnay ng matinding traffic sa SLEX na dulot lamang pala aniya ng mga sirang RFID scanners.

Aniya, nagdulot ng traffic build-up ang ‘invalid reading at ETC lanes’ kaya’t nag-manual scanning na lang ng RFID cards.

“Umagang-umaga, ito na ang bumungad sa ating mga motorista,” aniya pa.

“Napakaraming Pilipino ang napeperwisyo dahil sa depektibong RFID system sa SLEX. Ang naging pangako satin, mas mapapabilis ang byahe dahil nga kailangan na lang i-scan ang RFID sticker na sila mismo ang nagdikit sa mga sasakyan. Tumutupad rin naman tayo sa ating parte na lagyan ng load ang ating accounts para hindi tayo makaabala sa ibang motorista,” dagdag pa niya.

Ani Soriano, mahigit isang taon na mula nang ilunsad ang RFID system ngunit hanggang ngayon ay marami pa rin sa mga ito ang palyado.

“Umaga, hapon, gabi – kahit hindi pa rush hour, grabeng traffic na ang sumasalubong sa ating mga kababayan. Filipinos deserve much better. Wag naman natin i-normalize ang paghihirap na ito sa pang-araw-araw natin,” anang mambabatas.

“Also, time is money. Maraming essential na byahe ang naaantala na nagdudulot ng malaking kawalan sa ating ekonomiya. Nagbayad na ng toll fee, pero wala rin pala. Nagsayang lang ng pera para ma-traffic rin sa daan,” aniya pa.

Anang mambabatas, “Lalong mahirap ito ngayon na papalapit ang kapaskuhan. Imbes na mas mabilis makauwi ang ating mga kababayan sa kanilang pamilya at makasama sila sa panahon na ito, mas natatagalan pa sila sa daan dahil sa perwisyong ito. Imbes na Christmas lights ang makita nila na dekorasyon sa kanilang bahay, ilaw mula sa mga na-stuck rin na sasakyan ang kaharap nila.”
Nabatid na una nang naghain ang mga mambabatas ng House Resolution No. 485 na humihikayat sa House Committee on Transportation na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa implementasyon ng depektibong RFID data capturing at collection system.

“Papa-imbestigahan natin ito para mapanagot ang mga responsable sa pagpapahirap na ito,” dagdag niya.

The post ACT-CIS DISMAYADO SA MGA SIRANG RFID SA SLEX appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
ACT-CIS DISMAYADO SA MGA SIRANG RFID SA SLEX ACT-CIS DISMAYADO SA MGA SIRANG RFID SA SLEX Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 19, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.