Patuloy na isinusulong ni Senator Christopher “Bong” Go, chair ng Senate committee on health, ang karagdagang budget para sa mga programang pangkalusugan, kabilang ang Cancer Assistance Fund ng Department of Health.
“Nagpapasalamat po ako sa mga kasamahan ko sa Senado na sinuportahan po ang additional P250 million, or a total of P500 million na po sa Senate committee report, para po ito sa cancer assistance fund. Napakalaking tulong po ito,” sabi ni Go matapos niyang personal na ayudahan ang nga indigents sa Iba, Zambales.
“Kadalasan po napakagastos po ng isang cancer treatment at ito pong sakit na ito ay matagal na ito na kailangan ng suporta ng mga pasyente. So, natutuwa po ako na naaprubahan at hindi po ako titigil kung ano po ang makatutulong para mapalakas pa ang ating healthcare system,” ani Go
Ang CAF ay naglalayong pagaanin ang pasanin ng mga Pilipinong pasyente ng kanser at kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila na mabayaran ang gastos sa pagpapagamot at iba pang nauugnay sa pangangalaga nito, tulad ng mga kinakailangang diagnostic at laboratoryo.
Sinabi ng DOH na ang CAF ay naglalayon na dagdagan ang mga umiiral na mekanismo ng suportang pinansyal para sa iba’t ibang serbisyo sa pangangalaga at pagkontrol sa kanser.
Nangako rin si Go na patuloy na isusulong ang pagtatayo ng mas maraming Super Health Centers sa buong bansa sa layuning mapabuti ang healthcare access ng mga Pilipino, lalo na sa mga rural na lugar.
“Kaya mayro’n na po tayong 307 na mga Super Health Center na ilalagay ngayong taong ito at mahigit 300 naman sana sa susunod na taon,” sabi ni Go.
Itinataguyod ni Go, ang Super Health Centers ay mga medium na bersyon ng polyclinics at mas malaki kaysa sa rural health units, na nag-aalok ng mga pangunahing serbisyo tulad ng database management, out-patient, birthing, isolation, diagnostic (laboratory: x-ray, ultrasound), parmasya at ambulatory surgical unit.
Si Go rin ang punong may-akda at sponsor ng Malasakit Centers Act of 2019. Ang Malasakit Center ay isang one-stop shop na nagbibigay ng partikular na tulong medikal sa mahihirap na pasyente.
Sa ngayon, mayroong 152 Malasakit Centers sa buong bansa.
Bukod sa pagtatayo ng Super Health Centers at Malasakit Centers, muling inihain ng senador ang dalawa sa kanyang priority measures sa 19th Congress na makatutulong sa bansa na mas mapaghandaan ang public health emergencies.
Inihain ni Go ang Senate Bill No. 195 na naglalayong itatag ang Philippine Center for Disease Control and Prevention, at SBN 196 na naglalayong itatag ang Virology Science and Technology Institute of the Philippines.
The post Dagdag badyet sa Cancer Assistance Fund, SHC itinulak ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: