MAGPAPATUPAD ngayong araw ang mga oil companies ng may kalakihang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon sa oil companies, nasa P2.15 ang magiging bawas-presyo sa diesel habang P2.10 sa kerosene.
Epektibo ang rollback ng Pilipinas Shell, Seaoil at Petro Gazz ngayong alas-6:00 ng umaga.
Mas maaga namang magpapatupad ng price adjustment ang Cleanfuel at Caltex ngayong ala-12:01 ng hatinggabi.
Samantala, lumiit ang rollback na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa gasolina.
Sa abiso ng mga oil company, nasa P0.40 lang ang mababawas sa presyo ng kada litro ng gasolina na mas maliit kumpara sa inaasahang P0.75 hanggang piso.
Lumiit ang rollback sa gasolina dahil sa premium at freight costs.
The post AYOS! PRESYO NG DIESEL AT GASOLINA BABABA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: