Facebook

BONG GO: AYUDA SA CALAMITY VICTIMS ‘WAG PATAGALIN

Dahil sa patuloy na pandemya at mga kalamidad na tumama sa bansa kamakailan, hinimok ni Senator Christopher “Bong” Go ang local government units at national government agencies na pagbutihin at pabilisin ang paghahatid ng ayuda, lalo sa mga malubhang naapektuhang komunidad.

“Nakikiusap po ako not only sa national government agencies kundi maging sa lahat ng LGU, na bilisan ang pamamahagi ng ayuda,” sabi ni Go matapos niyang personal na pangunahan ang pamamahagi ng ayuda sa mga binaha nakaraang mga bagyo sa Roxas City, Capiz.

“Kung mayroong mga relief goods, tulong tayo kaagad,” ani Go.

Paliwanag ni Go, hindi dapat magdusa ang mga biktima sa anumang proseso na nagpapabagal sa pamamahagi ng tulong.

Makaraan nito ay hinimok niya ang gobyerno na direktang ibigay na lamang ang tulong sa mga tao.

“Dahil ‘pag tinamaan ka ng bagyo, ito ang mga panahon na litung-lito ang mga kababayan natin. Basa ang mga gamit, aayusin o papalitan ‘yung mga kagamitan nila,” anang senador.

“Ibigay na kaagad ‘yung pagkain dahil unang-una, pera nila ‘yang pera ng gobyerno. Kapag galing sa national government agencies, ibigay kaagad sa mga kababayan natin. Huwag nang tagalan,” ipinaalala niya.

Kasunod ng katatapos na sakuna na dala ng Bagyong Paeng, sinabi ni Go na napakahalaga ang pagbibigay ng tulong at serbisyo sa mga higit na nangangailangan nito, kinabibilangan ng mga bagay na donasyon.

Aniya, dapat iwasan ng mga ahensya ng gobyerno ang pagkaantala ng paghahatid ng mga serbisyong ito.

“Kung mayro’n mang mga donated items, ibigay kaagad. Bahala nang mag-doble. Ang importante walang magutom,” sabi ng mambabatas.

Binigyang-diin niya ang pagtiyak na walang Pilipinong magugutom sa harap ng mga natural na sakuna, lalo na ang mahihirap, upang magkaroon sila ng lakas para mabilis na makabangon.

“Importante walang magutom na mga kababayan natin. Alam n’yo importante po ang tiyan ng bawat isa, tiyan ng bawat Pilipino lalo na po ‘yung mga mahihirap po na kailangan munang makabangon kaagad ‘pag tinamaan sila ng bagyo o pagbaha,” sabi pa ni Go.

Noong araw ding iyon, tinulungan ni Go ang mga transport worker sa bayan ng Balasan sa lalawigan ng Iloilo at dumalo sa pagbubukas at turnover ng Balasan Transport Terminal. Nagsagawa rin siya ng inspeksyon sa Estancia Public Market, isang proyekto na tinulungan niyang pondohan.

Tinulungan din niya ang mga indibidwal na nagpapatakbo ng microbusiness sa Estancia.

The post BONG GO: AYUDA SA CALAMITY VICTIMS ‘WAG PATAGALIN appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BONG GO: AYUDA SA CALAMITY VICTIMS ‘WAG PATAGALIN BONG GO: AYUDA SA CALAMITY VICTIMS ‘WAG PATAGALIN Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 13, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.