Facebook

SILG BENHUR ABALOS PINATUTUTUKAN NG MAIGI SA PNP ANG WAR ON DRUGS

Kinalampag ni Department of Interior and Local Government ( DILG) Secretary Benhur Abalos ang Philippine National Police sa paglaban kontra sa ipinagbabawal na droga sa bansa.

Ito ang naging pahayag ni Abalos kasabay ng pagbibigay ng parangal sa mga miyembro ng Special Investigation Task Group sa Lapid murder case na isinagawa sa Grandstand ng Camp Bagong Diwa sa lungsod ng Taguig na pinangunahan ni NCRPO Chief P Brig Gen Jonnel Estomo.

Sinabi ni Abalos ngayon nakapaghain na sila ng kaso sa Percy Lapid murder case dapat na tutukang maigi naman ang paglaban ng PNP sa illegal na droga.

Sa isinagawang pulong balitaan sa Hinirang Hall sa NCRPO iginiit ni Abalos na kanyang kakausapin si PNP Chief Director General Rodolfo Azurin upang atasan ng lahat ng regional, district, provincial director hanggang sa mga commander ng mga substation na magpasa ng kanilang report sa war on drugs.

Nais na malaman ng kalihim kung saang Barangay ang may mga mararaming users at pushers ng ipinagbabawal na droga para matutukan ng mga otoridad at maiparehab ang mga lulong sa droga at kasuhan naman ang nararapat na kasuhan ng otoridad.

Dagdag pa ni Abalos dapat na hanapin ang mga ugat o mga malalaking isda sa pagkalat ng ipinagbabawal na droga at mapanagot sa batas. (CESAR MORALES)

The post SILG BENHUR ABALOS PINATUTUTUKAN NG MAIGI SA PNP ANG WAR ON DRUGS appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SILG BENHUR ABALOS PINATUTUTUKAN NG MAIGI SA PNP ANG WAR ON DRUGS SILG BENHUR ABALOS PINATUTUTUKAN NG MAIGI SA PNP ANG WAR ON DRUGS Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 14, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.