Facebook

Bong Go: Panahon na para mag-invest sa healthcare system

IGINIIT ni Senator Christopher “Bong” Go na panahon na upang mamuhunan ang pamahalaan sa healthcare system sa bansa para mapabuti ang access ng mga Pilipino sa dekalidad na serbisyo sa pamamagitan ng pagtatayo ng marami pang pampublikong pasilidad sa kalusugan.

Kaugnay nito, pinuri ni Go ang groundbreaking ng Super Health Center sa Barangay Poblacion I, Santiago, Agusan del Norte.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Go, pinuno ng Senate committee on health and demography, na ang pagtatayo ng mas maraming Super Health Centers sa buong bansa ay magbibigay-daan sa gobyerno na tulungan ang mas maraming mahihirap na Pilipino, partikular ang mga nakatira sa mga rural na lugar.

“Layunin po ng mga centers na mailapit sa ating mga kababayan ang mga serbisyong medikal ng gobyerno, lalo na sa mga nasa liblib na lugar,” paliwanag ni Go.

“Sa pamamagitan nito, hindi na nila kailangang pumunta sa mga malalaking ospital na kadalasan ay nasa mga syudad kung wala namang malalang sakit,” dagdag niya.

Ang Super Health Center, ayon kay Go, ay isang upgraded version ng rural health unit. Magkakaroon ito ng botika, mga birthing room, out-patient department, dental services, at iba pang minor services bilang karagdagan sa laboratory facility, minor operating, emergency room, at iba pang serbisyo.

Nauna nang sinabi ng senador na sa budget na nakalaan sa 2022 Health Facilities Enhancement Program, makapagtatayo na ang gobyerno ng 307 Super Health Centers sa buong bansa ngayong taon. Umaasa siya na ang karagdagang pondo ay isasama sa 2023 health budget para mas makapagtayo pa nito lalo sa grassroots communities.

“Sabi ko nga, ngayon na ang panahon para talagang mag-invest sa ating healthcare system. Umaasa ako na ito ang huling pandemya sa ating buhay pero ang totoo hindi natin alam kung kailan darating ang susunod,” ani Go.

“Talaga pong nabigla ang ating healthcare noong dumating ang pandemya kaya naman pursigido po talaga ako na palakasin pa ito sa abot ng aking makakaya. Dapat po talaga palagi tayong one-step ahead,” patuloy niya.

Samantala, pinangunahan ni Go ang tatlong araw na relief operation sa Iba, Zambales para maghatid ng tulong sa mga naghihirap na residente mula Nobyembre 14 hanggang 16.

Ang serye ng mga aktibidad ay sinimulan ng grupo ni Go sa pamimigay ng tulong sa 1,000 residente.

Kasama si Senator Robin Padilla, personal nilang binisita at pinangunahan ang distribution effort sa ikalawang araw, Nobyembre 15, sa libo pang residente.

Ang mga kinatawan mula sa Department of Social Welfare and Development, naman, ay nagpaabot din ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program nito upang higit na matulungan silang makabangon mula sa mga hamon na dala ng pandemya.

Bumisita at nag-inspeksyon din ang senador sa bagong itinayong Iba Super Health Center.

Bukod sa Iba, magtatayo rin ng mga Super Health Center sa Zambales sa Botolan, Castillejos, at Mayantoc.

The post Bong Go: Panahon na para mag-invest sa healthcare system appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go: Panahon na para mag-invest sa healthcare system Bong Go: Panahon na para mag-invest sa healthcare system Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 15, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.