Facebook

Small Scale Miners Hayaan din Silang Mabuhay – PMSEA President!

“Hindi natin sila kaaway sa halip ay tinutulungan pa natin ang mga maliliit na mga minero” ito ang naging paliwanag ni Philippine Mining Safety Environment Association (PMSEA) President Engr. Louie Sarmiento matapos ang isinagawang press conference sa pag selebra ng ika 68th Annual National Mine Safety and Environment Conference sa Baguio City.

Ayon kay PMSEA Pres. Sarmiento hindi kinakailangan na ipagtabuyan ang mga illegal miners dahil ito ng kanilang alam na ikabubuhay sa halip ay inaaruga ng aming samahan kasama pa ang pagtulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang paraan sa pagmimina ng sa gayon ay ang kanilang kaligtasan ang maisaalang alang.

Binanggit rin ni Sarmiento na ang kanilang asosasyon ay handang tumulong sa anumang oras na kailanganin maging ito ay illegal small scale o maging ito ay medium scale lalong lalo na sa tuwing may mga kalamidad tulad ng bagyo.

“Tulad na lang sa bayan ng Maco sa Compostela Valley may mga illegal miners duon na sakop ng aming projects hindi po namin sila kailangang ipagtabuyan dahil sila ay mga tao din na nagugutom kailangang mabuhay, ang pagmimina ang kanilang nakagisnang hanapbuhay so kaya ang kasabihan na if you cannot beat them join them” ani Sarmiento.

Binigyang diin rin ng opisyal na ang kanilang association ay recognize na ang mining industry ay vital economic developer ng bansa, ang kailangan dynamics ng industry is that we have legal large scale and we have illegal small scale , meron pang medium scale, sa amin po kasi we recognize that the small scale miners are or is it means that they want to earn honest lively hood.

Binanggit pa ni Sarmiento na sa tuwing nagkakaroon ng mga lanslide, ang PMSEA ay nagkakaroon agad ng mga rescue and search and retreival, tulad ng typhoon Pablo, ang lagi reaksyon ay ang, galing ng mga legal miners na yan.

Makailang beses na ring kinausap ng PMSEA ang mga tenant sa mga lugar na ang palaging sagot umano ay hind sila aalis, “because it is the only means to make money , pati po mga nagtitinda dun sa bundok g mga gagamitin na supplies hindi namin alam mag agriculture eh ang sabi rin po sa pamilya, hindi namin alam yun, ito po ang alam naming trabaho”

“so believe me that, its not just a social problem its not just its social environment, its a political issue that has to be resolve wholistic. kami po as an association sa mining company, we gave up some solutions” ayon pa kay Sarmiento.

Samantala inihayag naman ni DENR-MGB Director Marcial Mateo na ang kanilang tanggapan ay mayroong mga programang isinasagawa upang tulungan ang mga small scale miners o illegal miners tulad ng pagbibigay ng lugar kung saan sila puwedeng isagawa ang kanilang pagmimina.

Ayon pa kay Engr Mateo patuloy ang kanilang ginagawang pagmonitor sa mga small scale miners kung sumusunod ang mga ito sa mga alituntuning kanilang ibinigay kung saan isa sa mga guidelines na dapat sunurin ng mga minero ay ang pagkakaroon ng grupo at hindi pwedeng magisa sa pagmimina. (Cesar Barquilla)

The post Small Scale Miners Hayaan din Silang Mabuhay – PMSEA President! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Small Scale Miners Hayaan din Silang Mabuhay – PMSEA President! Small Scale Miners Hayaan din Silang Mabuhay – PMSEA President! Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 15, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.