Lehitimong matapang nga ba si dating Bureau of Correction (BuCor) Chief General Gerald Bantag o’ mayabang lang batay sa kanyang estadong kinakaharap sa kasalukuyan.
Marami umano ang nakakapansin sa ugaling lumalabas ngayon sa katauhan ng Heneral na parang sumobra daw ang angas at talak.
Wala daw pinagkaiba ito sa mga babaeng puta na puro bunganga na lang ang pinapairal. Nagmistulang bata rin daw ito na walang ibang ginawa kundi magsumbong at punahin ang ibang tao.
Matapos anilang mabuko sa mga kalokohang kanyang ginawa, nagdamay at nanisi pa ng ibang tao na wala namang ginawa kundi gampanan ang kanilang trabaho.
Siguro naman ay maliwanag pa sa sikat ng araw at kilala na nating lahat ang tinutukoy at dinadamay na tao ni Gen. Bantag.
Ito’y walang iba kundi si Department of Justice (DOJ) Secretary Boying Remulla na sinasabi niyang one-sided at sini-single out siya sa ginagawang nitong imbestigasyon hinggil sa Percy Lapid Slay.
Malakas din ang hinala nito na siya ay sadyang pinag-iinitan ng Kalihim na matagal ng may motibong sibakin siya sa kanyang posisyon bilang BuCor chief.
Planted daw at scripted na ang pagsibak sa kanya. Naka-hulma at planted na rin aniya ang taong papalit sa kanyang posisyon bilang BuCor chief na nakilalang si Ret. Gen. Gregorio Catapang.
Si Catapang umano ay malapit at dati raw kasama ni Remulla sa fraternity kung kaya’t ito ang inatasan sa nasabing posisyon.
Para daw batang inagawan ng candy itong si Bantag na ultimo si Catapang ay agad na siniraan. Ito raw kasi ay miyembro ng Reform the Armed Forces Movement (RAM) at isang die hard supporter ng mga dilawan na siyang nagpatalsik kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Si Remulla naman daw ay dapat ng bumaba ng kanyang puwesto bilang DOJ Secretary dahil wala na raw itong kredibilidad base sa nangyari sa kanyang anak na na-aresto dahilsa illegal na droga.
Pati mismo daw ang ama nitong si Kalihim Remulla ay gumagamit din ng droga partikular na ng marijuana kung kaya’t “like father, like son”.
Alam mo General, hindi natin pwedeng isisi ang kasalanan ng anak sa ama gayundin na hindi natin pwedeng isisi ang kasalanan ng ama sa anak.
Mantakin mong sirain mo ang personalidad ng Kalihim na sinasabi mong ito ay iyong kababata, kaibigan na kasabay mong lumaki’t tumanda.
Mukhang mainit talaga ang dugo ni Bantag sa kanyang kababatang si Remulla na hinahamon niya pang bumaba ng pwesto bilang DOJ Secretary.
Hindi naman yata ganon kadali iyon dahil walang ibang taong pwedeng magdikta dito kundi ang Pangulong Bong Bong Marcos na siya ring nagtalaga sa kanya sa nasabing posisyon.
Malamang na ang turingan ng dalawang ito ay sila ay BFF dahil sa nais nila ay palagi silang sabay sa lahat ng aspeto, sa pagsikat at paglubog.
Biruin mong hindi daw susuko itong si Bantag na kinasuhan ng Murder at tinuturong mastermind sa Percy Lapid Slay hangga’t hindi bumababa sa pwesto bilang DOJ Secretary ang kanyang best friend tsk tsk iyan ang wagas na pagmamahal… walang iwanan he… he… he…
Sa inaasta ngayon ni Bantag, sasabihin mo bang ito ay isang 4-star general at cabinet rank na USEC… matapang nga ba o puro yabang lang ang mamang ito? Maging kalmado ka lang at huwag masyadong maingay.
The post GENERAL BANTAG, MATAPANG BA O’ MAYABANG LANG? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: