Facebook

BONG GO: REHAB SA BIKTIMA NG DROGA, MAS TUTUKAN

Paraan upang mas malabanan ang iligal na droga sa bansa, inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na dapat pakatutukan ang pagtulong sa mga biktima nito na makabangon sa pamamagitan ng mas magandang rehabilitation program ng gobyerno.

Sa kanyang manipestasyon sa pampublikong pagdinig ng Senatecommittee on public order, binigyang-diin ni Go kung paano naging matagumpay ang pakikidigma laban sa ilegal na droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, gayundin sa pagtugon sa kriminalidad at katiwalian.

“Alam naman natin na isa sa adbokasiya ng nakaraang administrasyon ang pag-maintain ng peace and order sa ating bansa. At maraming salamat po sa Philippine National Police, DDB, PDEA, NBI, at sa DILG, sa lahat. Hindi po magiging successful ito kung hindi dahil sa inyong tulong at trabaho,” noted Go.

Ayon kay Go, mahalaga na hindi masayang ang nasimulan ng dating Pangulo at maipagpatuloy ang pagsugpo sa mga nasa likod ng iligal na droga para masolusyunan din ang problema sa kriminalidad at katiwalian.

Inihain ni Go ang Senate Bill No. 428 na magtatatag ng Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center sa bawat lalawigan sa buong bansa upang magbigay ng pangangalaga, paggamot at akomodasyon sa mga lulong a droga.

Ang mga drug rehabilitation center na ito ay mag-aalok din ng after-care, follow-up at social reintegration services para tulungan ang mga pasyente sa pag-adjust sa buhay komunidad pagkatapos ng kanilang paglaya.

“Bukod sa paglaban para sa kaligtasan at seguridad ng bansa laban sa banta ng iligal na droga, dapat ituon ang atensyon sa rehabilitasyon at pagrekober ng mga biktima nito,” sabi ni Go.

“Habang patuloy nating pinaiigting ang ating kampanya laban sa katiwalian, kriminalidad at iligal na droga, ang mga pagsisikap na protektahan ang kapakanan ng mga biktima ay dapat ding bigyang prayoridad. Sa pamamagitan ng pagtatayo ng Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Centers, maaari nating paigtingin ang ating pagsisikap sa pagtulong sa ating mga kapwa Pilipino na makabangon mula sa madilim na pagkakagumon sa mga mapanganib na droga,” dagdag niya.

Binigyang-diin ni Go na ilang drug rehabilitation center ang itinatag noong Duterte administration, kabilang ang mga nasa Nueva Ecija, Las Piñas, at marami pang iba.

Kaya naman umapela si Go para sa isang mas maayos na diskarte sa pagtiyak na ang mga biktima ay nakahandang lumahok sa programa ng rehabilitasyon.

“Isa po sa napapansin ko kaya walang nagpapa-rehab ay ‘yung proseso po. Minsan po (may) mga nanay na gustong ipa-rehab ‘yung anak nila pero) mahaba ang proseso. Ano po ang proseso? Pupunta ba sila sa pulis? O sa PDEA? Kailangan ba na korte ang mag-order sa kanila bago pa sila ipasok o pwede na idiretsong ipa-rehab?”

“Second, (napapansin din) yung resistance po ng nagpapa-rehab. Kapag dinala sa rehab centers, minsan tatakas na naman. Ano po bang proseso na gagawin para hindi sila tumakas at ma-enganyo sila magpa-rehab? Kasi if wala, magiging useless po itong karagdagang mga rehabilitation centers kung wala pong magpapa-rehab o nahihirapan magpa-rehab,” ipinunto ni Go.

Binanggit din ng senador na ang kampanya ni FPRRD sa drug war ay nag-ambag sa pagbaba ng bilang ng krimen sa bansa. Ayon sa ulat ng Philippine National Police, ang rate ng krimen ay 73.76% mula 2016 hanggang 2021.

“Sa totoo lang, sa nakita ko noong nakaraang administrasyon, kapag na-contain ang paglaganap ng iligal na droga, kasamang bumababa ang krimen. Pero kapag lumala na naman ang iligal na droga, kapag dumami muli ang mga gumagamit nito, bumabalik ang kriminalidad,” ani Go.

Nais ni Go na lumawak ang ating pagtingin sa isyu at pagtuunan ng pansin ang aspeto ng rehabilitasyon. Naniniwala siya na binigyang-diin din ni Pangulong Marcos ang pangangailangang tutukan ang rehabilitasyon sa mga biktima ng droga.

“Ang mga lulong sa droga ay biktima ng mga kriminal at sindikato. Sila ay dapat tratuhin nang maayos na nangangailangan ng tulong medikal, sikolohikal, at espirituwal na may pagkakataong matagumpay na maisama muli sa lipunan bilang malusog at produktibong mamamayan,” giit ni Go.

Dahil dito, ipinahayag ni Commission on Human Rights Executive Director Atty. Jacqueline Ann de Guia ang suporta ng ahensya sa inisyatiba ng senador.

Tiniyak din ni De Guia na determinado ang CHR na makipagtulungan kay Senator Go para matiyak na ang panukala ng mambabatas ay naaayon sa mga internasyonal na pamantayan ng karapatang pantao.

The post BONG GO: REHAB SA BIKTIMA NG DROGA, MAS TUTUKAN appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BONG GO: REHAB SA BIKTIMA NG DROGA, MAS TUTUKAN BONG GO: REHAB SA BIKTIMA NG DROGA, MAS TUTUKAN Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 24, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.