Facebook

SOLUSYON NG QC SA CLIMATE CHANGE AT ANG SAVE WATER NG NORZAGARAY!

Bunsod sa pabago-bagong panahon na epekto ng CLIMATE CHANGE at pinagsisikapan ngayong masolusyunan ng iba’t ibang mga lider ng bansa ay isa si QUEZON CITY MAYOR JOY BELMONTE ang naging panauhin at nagbahagi ng programang isinasagawa sa kanilang lungsod sa inilunsad na programa ng EUROPEAN CHAMBER OF COMMERCE OF THE PHILIPPINES (ECCP).

Ang programa ng ECCP ay ang kampanyang NET ZERO CARBON PHILIPPINES.., tinalakay ang kahandaan sa mga CLIMATE EMERGENCY na pumapaloob dito ang iba’t ibang pamamaraan o proyektong makatutulong upang mabawasan ang iba’t ibang polusyon sa kapaligiran.

Sa naturang programa ay ibinahagi ni MAYOR JOY ang iba’t ibang programa sa kanilang lungsod bilang pagtugon sa mga epekto ng global climate change.., kabilang na ang pagtatatag ng CLIMATE CHANGE & ENVIRONMENTAL SUSTAINABILITY DEPARTMENT at pagbuo sa ENHANCED LOCAL CLIMATE CHANGE ACTION PLAN
katuwang ang C40 CITIES.

Binigyang-diin ni MAYOR JOY ang kahalagahan ng pagkakaisa sa lahat ng sektor.., mula sa mga civil society organization hanggang sa mga residente para maisakatuparan ang climate goals sa kanilang lungsod.

Inihayag pa nito na upang makamit ang target na mabawasan ng 30 porsyento ang carbon emissions ay iba’t ibang proyekto at plano ang binuo sa kanilang lokal na pamahalaan tulad ng pagpapalawig ng BIKE LANE NETWORK.., SOLARIZATION sa kanilang CITY-OWNED HOSPITALS at viable SCHOOL BUILDINGS, pagpapatayo ng GREEN CORRIDOR at pagsusulong ng URBAN AGRICULTURE.

***

SAVE WATER CAMPAIGN NG NORZAGARAY!

“Nabubuhay ang tao nang walang pag-ibig pero walang nabubuhay nang walang tubig,”., mga katagang sinambit ni NORZAGARAY MAYOR ELENA GERMAR nang ito ay dumalo sa SAVE WATER ADVOCACY PROGRAM na inilunsad ng LOCAL WATER UTILITIES ADMINISTRATION (LWUA) sa NORZAGARAY WATER DISTRICT nitong nakaraang November 23, 2022 sa lalawigan ng BULACAN.

Ipinunto ni MAYOR GERMAR na kinakailangan ang pagpapahalaga sa tubig at ang marapat na paggamit upang huwag humantong sa pagiging tagtuyot.

Ang SAVE WATER ADVOCACY PROGRAM (SWAP) ay dinaluhan ng mga opisyales mula sa NORZAGARAY WATER DISTRICT at mga opisyales mula sa mga bayan ng PANDI, ANGAT, SAN ILDEFONSO, SAN RAFAEL at STA. MARIA WATER DISTRICTS gayundin ng mga COMMUNITY SOCIAL WORKERS, BARANGAY HEALTH WORKERS, TEACHERS, LOCAL GOVERNMENT UNITS at BARANGAY OFFICIALS.

Inihayag ni LWUA PUBLIC RELATIONS CHIEF JANNET GOJOCCO na ang SWAP ay inilunsad ng LWUA para sa puspusang kampanya hinggil sa WATER CONSERVATION sa pakikipagtuwangan ng mga stakeholders upang maimpormahan at maturuan ang mga tao sa pagpapahalaga sa tubig.

Ipinunto naman ni NWD GENERAL MANAGER AIMER CRUZ na 91% sa mga kinukonsumong tubig sa mga residente ng METRO MANILA ay nanggagaling sa ANGAT at IPO DAM na dapat ay mapalawig pa ang reforestation o mapalawak pa ang pagtatanim ng.mga puno.

Sa naturang programa ay naging tagapagsalita rin sina DOST PAGASA WEATHER SPECIALIST MARY MAY VICTORIA CALIMASO; NWRB WATER RESOURCES ASSESSMENT SECTION HEAD JOSEPHINE BILLONES; LWUA WATER SUPPLY SANITATION PLANNING AND DESIGN DEPARTMENT MANAGER VIRGILIO BOMBETA.., at si JOSEPH ROON TUAZON, MAYNILAD WATER SERVICES COMMUNITY PARTNERSHIP HEAD, na tinalakay ng mga ito ang epekto at wastong paggamit o pagpapahalaga ng tubig!

***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.

The post SOLUSYON NG QC SA CLIMATE CHANGE AT ANG SAVE WATER NG NORZAGARAY! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SOLUSYON NG QC SA CLIMATE CHANGE AT ANG SAVE WATER NG NORZAGARAY! SOLUSYON NG QC SA CLIMATE CHANGE AT ANG SAVE WATER NG NORZAGARAY! Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 23, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.