PUBLIC service is a public trust. Kasabihan na malimit na iugnay sa mga halal ng bayan-nasyonal man ito o local government unit, ganon din sa itinalagang namumumuno sa ibat ibang departamento ng pamahalaan tulad ng Philippine National Police (PNP).
Mahirap maging lingkod -bayan, dahil hindi lang public servant, kailangang magampanan ang sinumpaang trabaho nang maayos, hindi lumalabag sa anumang itinadhana ng batas para sa kasiyahan at kapakanan ng sambayanan.
Sa madaling salita, ang iniluklok na pangulo, bise-pangulo, senador, kongresista, gobernador, mayor at iba pa hanggang barangay kagawad, gayundin sa mga itinalagang government official ay kailangang maging maayos at magandang halimbawa sa trabaho para sa taongbayan na pinagsisislbihan.
Dapat malaman ng mga opisyales na ito ng pamamahalaan, elected man o appointees na sila ay nagtatrabaho at ang sinisweldo sa kanila ay kwarta ng madlang pipol sa pamamagitan ng kanilang buwis na binabayaran ng regular sa gobyerno, kaya nga sila ay tinawag na “public servant o lingkod ng bayan.”
May karapatan ang taumbayan na punahin, magalit sa mga halal at appointed government official na hindi ginagampanan ng maayos ang kanilang mga trabaho, dahil sa kontribusyon nilang buwis sa bayan na ibinibigay sa kanila bilang bayad sa kanilang serbisyo sa lipunan. Pero sad to say, na ang kasabihang ito ay hindi nasusunod ng karamihang opisyales ng pamahalaan.
Halimbawa, ay ang kapulisan sa Region 4A na pinamumunuan ni BGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na ayon sa mga residente ng rehiyon, ang pamunuan ng nasabing heneral ay bagsak sa itinatadhana ng kasabihang “public service is a public trust”.
Mula nang maitalagang director ng CALABARZON area, si Gen. Nartatez Jr. ay hindi kumilos, umaksyon sa sumbong at reklamo laban sa pagsulpot hangang dumami na parang kabute ang mga sugalan na naging dahilan din ng pagtaas ng insidente ng ibat-ibang insidente ng kriminalid sa rehiyon.
Sa area of jurisdiction ni Gen. Nartatez Jr., lahat ng uri ng illegal na sugal tulad ng STL con jueteng, lotteng, pergalan (perya at sugalan), sakla at maging ang petroleum product pilferage na kung tawagin ay paihi na kilala din sa tawag na patulo o buriki ay talamak ang operasyon dahil hindi hinuhuli at pinababayaan lang ng pulisya.
Sa mga sugal na ito, ang card game na sakla ang kinabubwisitan na madalas ireklamo dahil ang larong ito ay paboritong tambayan ng mga drug pusher at mga kliyente nilang bukod sa addict sa pagtaya sa sakla ay mga lulong din sa ipinagbabawal na droga partikular ang shabu.
Speaking of sakla, ang pasugal na ito ay nagkalat sa lalawigan ng Cavite, partikular sa mga bayan ng Tanza, Indang at General Mariano Alvarez (GMA) dahil kahit sa mga kalsada, paradahan ng jeep at traysikel ay lantaran ang mga sakla table na pinagkukumpulan ng mga gambling afficionados, drug pusher at mga addict.
Ang nakakadismaya, walang utos si Gen. Nartatez Jr. na hulihin ang mga sakla joint na ito, at maging si Cavite Provincial Director, Col. Christopher Olazo ay kukuyakuyakoy lang sa kanyang opisina na akala mo’y walang nangyayaring sakla operation sa kanyang hurisdiksyon.
May karapatang magalit ang taumbayan kina Gen. Nartatez Jr. at Col. Olazo dahil bilang mga awtoridad ay hindi nila ginagampanan ang nakaatang sa kanilang trabaho o responsibilidad sa pamamagitan nang hindi paghuli sa sakla operation na isang uri ng sugal na lumalabag sa umiiral na batas sa bansa.
Dahil ayaw kumilos laban sa mga saklaan sa Tanza, Indang at GMA Cavite at iba pang iligal na sugalan, hindi masisisi ang publiko na pagsuspetsahan itong dalawang PNP official na sila’y umaaktong cuddler o protector ng vice den- mga kapabayaa na maari nilang ikatanggal sa serbisyo ayon sa itinatadhana ng PNP law.
Bilang “ama” ng Cavite hindi rin makakatakas sa responsibilidad si Gov. Junvic Remulla, ganun din sa ngitngit ng kanyang mga kababayan, lalo na sa mga anti- gabling crusader.
Sa dami ng sakla sa kanyang lalawigan, partikular sa Tanza, Indang at GMA, lumalabas na wala silang ginagawa para mahinto ang sugal na ito.
Tiyak naman na may mga tao si Gov. Remulla na nagbabantay sa mga sumusulpot na kailigilan sa kanyang probinsya pero baka tulad din ni PNP Chief Rodolfo Azuin Jr., binubulag sila sa tunay na sitwasyon ng gambling operation sa lalawigan.
Sa dami ng sakla joints, tinatawag na ng anti-gambling crusaders na “sakla capital” ang Cavite. Aba…. Gisiiiing Gen. Nartatez Jr., Gov. Remulla at Col. Olazo.
***
Para sa komento: sianing52@gmail.com/09664066144
The post OPERASYON NG SAKLA, DROGA SA CAVITE LANTARAN, NARTATEZ , REMULLA AT OLAZO GISING! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: