Ni NONIE V. NICASIO
ANG kontrober siyal na talent na si Clark Samartino ay pumirma ng kontrata sa bagong proyekto ng Inding Indie Film Festival sa ilalim ng direksiyon nina Ron Sapinoso at Ryan Manuel Favis.
Sa contract signing ay kasama ni Clark ang manager niyang si Merly Barte aka Merly Peregrino ng Team Abot-Kamay.
Isang malaking pelikula ang gigimbal sa sambayanan ngayong 2023 dahil naiibang Clark Samartino ang mapapanood ng publiko sa mga sinehan at ito ang kauna-unahang pagkakataon na gagawin niya ang ganitong klaseng role.
Bawal pang idetalye kung ano ang kanyang gagampanan sa pelikula. Sa ngayon ay sumasailalim siya sa matinding acting workshop.
Samantala, matapos nitong manalo bilang Most Promising Actor na naibalita pa sa TV Patrol sa Metropolitan, inaasahan din na magiging “King” siya sa isang magical fashion show na may pamagat na “The Whirl to Castle”. Ang napiling creator ng design ng mga damit dito ay si Christian Castillo.
Si Christian ay expert sa mga fashion event at ito’y gaganapin sa darating na February or March 2023. Abangan sa official page ng Inding-Indie ang date at venue.
Inaasahan din na makikilala na ng publiko sina Louise Touscah, Paul Robinson at Alexandra Go Bagon bilang mga bagong talent ni Direk Ryan.
Sila ay abangan sa pelikulang The Pain of Happiness na kinunan pa sa Green Villa Private Resort sa Alfonso, Cavite. Mula ito sa panulat ng batikang writer ng mga short films na si Nathaniel Perez.
Tampok din sa pelikula sina Charice Toradio, Reschia Garcia, Cristina Nicole, Raymond Pacheco, Marty Larusso, Shiro Bagus, Fitzerald Friginal, at iba pa.
The post Direk Ryan Manuel may pasabog na project kay Clark Samartino appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: