Facebook

Go-Padilla tandem umayuda sa Zambo typhoon victims

Bilang pagtupad sa pangakong tutulong sa pag-angat ng buhay ng mga Pilipinong apektado ng krisis, si Senator Christopher “Bong” Go, kasama si Senator Robin Padilla, ay bumisita sa Zamboanga City upang personal na ayudahan ang mga biktima ng nakaraang bagyo.

“Huwag ho kayong magpasalamat sa amin ni Robin. Sa totoo lang po, kami po ang dapat magpasalamat sa inyo dahil binigyan n’yo po kami ng pagkakataong makapagserbisyo sa inyong lahat. Kaya hindi namin sasayangin ang pagkakataon, magseserbisyo po kami sa inyo,” ani Go.

“Kami ay walang kapaguran. Ako po’y sanay sa trabaho. Umaga, tanghali, hapunan, kahit panaginip puro trabaho. Pero hindi po ako napapagod ‘pag nakikita ko po kayo na masaya rin po at nakatutulong kami sa inyo,” idinagdag ni Go.

Patuloy na itinataguyod na maging isa tayong bansa na lumalaban sa sakuna, itinutulak ng senador na maisabatas ang kanyang panukalang Disaster Resilience Act. Sa ilalim ng Senate Bill No. 188, itatatag ang Department of Disaster Resilience upang pagsama-samahin ang lahat ng mahahalagang tungkulin at mandato na kasalukuyang nakakalat sa iba’t ibang ahensyang may kinalaman sa kalamidad.

Sa ilalim ng panukalang batas, lilikhain ang isang Humanitarian Assistance Action Center, isang one-stop shop para sa proseso at pagpapalabas ng mga produkto, gamit at serbisyo para masiguro ang wastong paghahatid ng tulong sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.

Alinsunod naman sa kanyang prayoridad na pangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng mga mamamayang Pilipino, pinayuhan ni Go ang mga benepisyaryo na samantalahin ang mga serbisyong iniaalok sa Malasakit Center na matatagpuan sa Zamboanga City Medical Center.

Iniakda ni Go ang Republic Act No. 11463, kilala rin bilang Malasakit Centers Act of 2019, layon ng programa na mabawasan ang mga bayarin sa ospital ng mga mahihirap na pasyente sa pinakamababang halaga.

Bukod sa Malasakit Centers, isinusulong din ni Go ang pagtatayo ng mas maraming Super Health Centers sa buong bansa, at dalawa dito ay matatagpuan sa Zamboanga City o sa mga Barangay Calarian at Talon-Talon.

Idinaos nina Go at Padilla ang pamamahagi ng ayuda sa Western Mindanao State University, kung saan ay 1,263 biktima ng bagyo ang binigyan ng grocery packs, bitamina, mask, pagkain, payong at kamiseta. Namigay din sila ng cellular phone, sapatos at relo sa mga piling indibidwal.

Ang Department of Social Welfare and Development naman ay nagpaabot ng tulong pinansyal sa bawat kabahayan na nasalanta ng bagyo.

Noong araw ding iyon, sunod na nagbigay sina Go at Padilla ng tulong sa mga mahihirap na residente sa Josefina, Zamboanga del Sur.

The post Go-Padilla tandem umayuda sa Zambo typhoon victims appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Go-Padilla tandem umayuda sa Zambo typhoon victims Go-Padilla tandem umayuda sa Zambo typhoon victims Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 20, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.