Facebook

PAGKAKAIBA AT DIPERENSIYA KAYANG-KAYA

MAGANDA ang nagiging takbo ng mga pangyayari para sa mga bansa sa Asia, nabubuklod nito ang magkakalapit na bansa na imbes magpormahan ay nagkaka-isa para sa kaunlaran ng lahat.

Hindi ito pinalalagpas ni Pangulong Bong Bong Marcos (PBBM), kahit sunod-sunod ang mga nakakapagod na pagpupulong ay dumadalo ito para maihayag ang posisyon ng Pilipinas sa mga isyu.

Gaya nang nakaraang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits, at ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) na ginanap kamakailan lamang, sinikap ni PBBM na dumalo upang ihayag ang mga pagnanais ng bansa na makasama at makipag-tulungan para sa kaunlaran.

Sa mga pulong na ito, ay naka-tsamba pa nga si PBBM na maimbita ng mga ibang bansa na bumisita sa kanilang bayan upang mapalawig pa ang samahan at pagkakaibigan sa pagitan ng dalawang bansa at mapag-usapan ito ng harapan.

Tulad ng maikling paghaharap nila PBBM at Chinese President Xi Jinping sa APEC meeting, naging puwang ito upang matuloy ang State Visit ng Pangulo sa China upang mapalawig ang pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Tatahiin nito ang mga naging punit na pagkakaiba at diprensiya hinggil sa matagal na samahan ng dalawang bansa.

Sabi nga ng mga Chinese, kailangan ang mga ganitong paghaharap para mapanatili ang pagkakaibigan ng dalawang bansa at palagiang mapag-usapan ang mga pagkakaiba sa posisyon ng bawat bansa sa mga bagay-bagay at ang maaaring pag-mulan ng diprensiya sa isa’t isa lalo na sa usapin o isyu sa South China Sea.

Siguradong dadaanin ni PBBM sa diplomasya ang usaping ito, upang mapanatili ang ating kalayaan at kapayaan sa rehiyon, nang di naman nakakasakit sa mga Tsino kapag inihayag niya ang posisyon ng ating bansa sa isyu ng pinag-aagawang bahagi ng tubig-dagat.

Di rin naman pahuhuli ang China sa mga pangako nito bilang kaibigan ng Pilipinas, at sinisikap na pagyamanin pa nga ang pagkakaibigan ng dalawang bansa para sa kaunlaran.

Patunay na rito ang iba’t ibang tulong na ibibigay na ng mga Chinese sa atin, gaya ng Davao-Samal Bridge project, at ang bagong tulay sa Maynila, mga pawang simbolo ng tapat na pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Manatiling tapat sa isa’t isa ang China at Pilipinas. Gaya ng pakikipagkaibigan natin sa iba pang bansa.

The post PAGKAKAIBA AT DIPERENSIYA KAYANG-KAYA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PAGKAKAIBA AT DIPERENSIYA KAYANG-KAYA PAGKAKAIBA AT DIPERENSIYA KAYANG-KAYA Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 20, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.