ILAN lamang ang mga ito na mababasa sa mga karatulang gamit ng ilan sa ating mga kababayan na sumalubong sa pagbisita ng Bise Presidente ng Estados Unidos na si Kamalara Harris sa ating bansa.
Palagay ko ay gustong-gusto ito ng mga kababayan natin na galit [daw] sa Amerika na mayroong bumisitang opisyal nito tulad ni Harris upang mas mataas ang bayad, este mali… mas mataas ang alab sa kanilang puso.
Nangangalit ang kanilang mga puso dahil sa pagdating ni Harris. Sumisigaw ng katarungan sa paniniwalang inaabuso ng Amerika ang Inang Bayan at mga kababayan na lugmok na sa kahirapan.
Subalit tila nabuking ang tunay na ipinaglalaban ng marami sa mga ito mula nang kumilos ang bansang Tsina sa pananakop ng malawak na lugar sa mga karagatan na malinaw na teritoryo ng Pinas.
Nakapagtataka na maingay sila sa mga isyung bumabalot sa Amerika pero sa Tsina ay tila walang nakikita bagaman naglalakihan na ang mga barko at eroplano na gamit-pandigma ang nariyan sa ating mga karagatan.
Balita na naging produktibo ang pakikipag-usap ng Pangulo kay Harris nang magtungo ito sa Malakanyang kabilang na ang muling pangako na mananatili ang suporta ng Amerika lalo na sa isyu natin sa Tsina.
Hindi naman nakagugulat kung totoo man ang naging pahayag na ito ni Harris dahil kahit hindi nito sinabi sa Pangulo ay natitiyak kong kakampi sa atin ang Amerika na ang pangunahing ikinabubuhay ng ekonomiya ay digmaan.
Kailangan ng Pinas ng kakampi o mas maganda kung maraming kakampi kung ang pag-uusapan ay ang agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea. At sa lahat ng puwede natin maging kakampi – si Amerika ang numero uno riyan.
Kamakailan ay mayroong opisyal ng Amerika ang bumisita sa Taiwan na isa rin sa kinagigiliwan ng Tsina at ngayon naman ay sa Pinas na sa tingin ko ay kasama sa paraan ng paghayag kung sinu-sino ang kakampihan ng mga Amerikano.
Yung tinatawag nila na imperyalista, terorista at iba pa ay pikit-mata kong tatanggapin na maging kakampi laban sa nagbabantang panganib sa usapin ng pananakop ng Tsina sa ating mga karagatan.
Tanggap ko sa ngayon ang Amerika pero sakaling matapos ang problema natin sa Tsina ay puwede na muli natin pag-usapan o bigyan ng atensiyon ang mga paratang natin sa bansang Amerika.
***
Para sa komento o suhestiyon: eksperto1971@gmail.com
The post IMPERYALISTA… TERORISTANG AMERIKA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: