Facebook

BROWNLEE: ‘PUSONG PINOY, NEVER SAY DIE’ — BONG GO

MARIING sinuportahan ni Senate committee on sports chair, Senator Christopher “Bong” Go sa pagdinig ng komite ang panukalang nagbibigay ng Philippine citizenship kay Justin Brownlee.

Nauna rito, nag-co-author si Go sa panukalang inihain ni Senator Bato dela Rosa upang ipakita ang kanyang buong pagsuporta sa naturalisasyon ni Brownlee.

Sa kanyang manifestation, sinabi ni Go na ang hindi pangkaraniwang husay ni Brownlee sa court ay umani ng lubos na paghanga mula sa kanyang mga coach, teammates at basketball fans.

“Noong 2016, dumating si Mr. Brownlee sa Pilipinas na may isang bagay na nasa isip – ang maglaro ng basketball. Una siyang sumali sa mga kumpetisyon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas bilang kapalit na import. Pagkatapos ay ipinakita niya ang kanyang mga talento na tumulong sa Barangay Ginebra na makuha ang unang kampeonato sa PBA makalipas ang 8 taon,” ani Go.

“Mula noon, tinulungan at pinangunahan niya ang kanyang koponan na makamit ang limang PBA championship noong 2016, 2017, 2018, 2019 at 2021,” dagdag niya.

Ayon sa senador, mismong si Barangay Ginebra coach Tim Cone ay nagpahayag ng labis na paghanga sa basketbolista.

“Parati po silang naglalaban ng Meralco at Ginebra, na ang pagkakaiba ng Ginebra sa karibal nitong Meralco ay mayroon silang Justin Brownlee. And that’s the bottom line.”

“Even so, Mr. Brownlee did not take too much credit and just prided himself on just being there for his team,” dagdag ni Go.

Sa kabila ng injury noong nakaraang taon, sinabi ng senador na nagawa ni Brownlee na gumuhit ng kasaysayan sa pamamagitan ng pag-angkin sa ikalimang puwesto sa all-time imports’ scoring list.

“Ito ay nagpapakita ng kanyang dedikasyon sa isport at ang kanyang pangako sa kanyang koponan,” sabi ni Go.

“Justin Brownlee was named Best Import twice, first in the 2018 PBA Commissioner’s Cup and second in the 2021 PBA Governor’s Cup,” dagdag niya.

Sa kanyang decorated career, sinabi ni Go na wala siyang duda na malaki ang maitutulong ni Brownlee sa Gilas Pilipinas sa FIBA ??Basketball World Cup sa susunod na taon.

“Kaya naman habang tumatagal, mas nagiging deserving siya na ma-naturalize. Nakaka-blend siya sa basketball team natin. Alam naman natin na napakaimportante na nakaka-blend ka sa teammates mo para manalo,” sabi ni Go.

“Madalas po akong nanonood ng PBA at masasabi ko po talaga na malaki ang magiging kontribusyon ni Justin Brownlee sa ating national team,” anang senador.

Binigyang-diin ni Go ang pagmamahal ni Brownlee sa mga Pilipino, kultura, tradisyon, tunay na pagkakaroon ng “pusong Pinoy” at “never say die” attitude.

“Si Brownlee may pusong Pinoy at “never say die” attitude. Kaya napamahal na siya sa mga Pilipino at alam ko rin na napamahal na rin ang mga Pilipino sa kanya, vice versa,” sabi ni Go.

“Ito po ang pinakaimportante. Higit sa talento niya sa basketball, ipinapakita niya ang puso niya na lumaban para sa Pilipino at ang pagmamahal niya sa ating bayan. Napakaimportante po iyon, lalo na po sa ating FIBA ??World hosting next year po,” dagdag niya.

Sa pagbibigay ng Philippine kay Brownlee, umaasa ang senador na tiyak na palalakasin ng Gilas Pilipinas ang mga pagkakataon nito sa ilang paparating na international basketball tournaments.

“But beyond that, we would gain a new brother that we can proudly call ‘Filipino’,” ani Go.

“Kaya ibinibigay ko ang aking buong suporta sa pagbibigay ng pagkamamamayan ng Pilipinas kay G. Justin Brownlee,” pagtatapos niya.

Ang Pilipinas ay co-host ng 2023 FIBA ??Basketball World Cup kasama ang Japan at Indonesia, na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum at Mall of Asia Arena mula Agosto 25 hanggang Setyembre 10 sa susunod na taon. Magho-host din ang bansa sa huling yugto ng kompetisyon.

The post BROWNLEE: ‘PUSONG PINOY, NEVER SAY DIE’ — BONG GO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BROWNLEE: ‘PUSONG PINOY, NEVER SAY DIE’ — BONG GO BROWNLEE: ‘PUSONG PINOY, NEVER SAY DIE’ — BONG GO Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 21, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.