Facebook

KAILAN TAYO MATUTUTO

NOONG nakaraang linggo, binayo tayo ng ‘severe’ Tropical Storm “Paeng”, kung saan napinsala ang halos lahat ng parte ng bansa dahil sa hagupit at dala nitong malalakas na hangin at pag-ulan.

Kasunod agad nito ay ang sangkaterbang sisihan. Magmula sa mga taga-pagtaya ng panahon o ang weather bureau na PAGASA. Kasama sa nasisisi ay ang National Disaster Risk Reductio1n and Management Council (NDRRMC). At di rin nakaligtas ang mga namumuno sa mga local government units (LGUs).

Ang sa akin ay iisa lang ang dapat na sisihin. Ang pagpapakalat ng impormasyon. Iba ang pagpapakalat ng impormasyon sa pagbabalita ng nangyayari o maaari pang mangyari.

Matagal na nating ginagawa ang pagpapakalat ng impormasyon hinggil sa panahon ng mga delubyo o sakuna. Mapa-bagyo o mapa-lindol man, ay halos lahat tayo ay alam na ang mga dapat pinaggagawa.

Ngunit ang mas matagal nang naipakalat na impormasyon ay ang sanhi ng mga pag-baha. Ano-ano ito?

Una, ang pagputol ng mga punongkahoy. Dekada sitenta hanggang sa ngayon ay ipinakakalat na natin ang impormasyong ito. Nanatili itong impormasyon at walang humadlang sa pamumutol ng mga punongkahoy magmula rin noon. Ang iba ay nagsi-yaman pa nga sa pamumutol ng mga punong-kahoy sa kanilang mga kagubatan at mga kabundukan, at naging mambabatas pa.

Kailan tayo matututo? Kailan natin ihihinto ang pamumutol ng puno? Para makaiwas tayo sa mga pag-baha at pagguho ng mga lupa.

Ang mga puno ang humihigop ng tubig-baha. Kung wala ang mga puno, patuloy tayong makakaranas ng pagguho ng mga kabundukan. Mayroon pa ba kayong alam na kabundukan na hitik sa mga punong-kahoy?

Mangilan-ngilan na lang siguro. Kung magtatanim naman tayo, gaya ng iba nating kababayan na ginagawa na ito, ang pinakamabilis na pagtubo ng isang punong-kahoy ay umaabot ng walong (8) taon, ang iba nga ay 25 taon pa.

Ibig sabihin nito, ganyan katagal pa tayong magtitiis na marinig na ang iba nating mga kababayan ay pumanaw at nilamon ng baha at pagguho ng lupa.

Ang kailangan natin ay pamahalaan na magpapapatupad ng mahigpitang parusa sa mga lalabag sa mga di lamang ipinakakalat nitong impormasyon, kung di pati sa mga batas na nag-aatas at bawal mamutol ng punongkahoy.

Kapag tama ang pagpapakalat ng impormasyon, pihadong gagawin ng lahat ang nararapat sa anumang delubyong haharapin.

The post KAILAN TAYO MATUTUTO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
KAILAN TAYO MATUTUTO KAILAN TAYO MATUTUTO Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 17, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.