Facebook

MALAPIT NA SA BENTE

CAMPAIGN promise ni Pangulong Bong Bong Marcos (PBBM) ang mabibiling muli ang bigas sa halagang bente pesos (P20). At ngayong limang buwan pa lamang sa kanyang pagka-presidente ay tila malapit na nga ito sa katotohanan.

Noon kasing isang linggo, ang Pangulo at ang unang pamilya ay pinasinayaan ang pagbubukas ng “Kadiwa ng Pasko” project sa iba’t ibang siyudad sa kamaynilaan. Si PBBM na kasalukuyan din namumuno sa Department of Agriculture ay siyang nanguna sa paglulunsad ng nasabing proyekto sa Mandaluyong.

Dito ibinalita ni PBBM na mabibili ang bigas sa halagang P25 kada kilo. Ang mga bigas na ibinibenta rito ay hango sa National Food Authority (NFA).

Base sa Department of Agriculture ang presyo ng bigas sa Metro Manila ay naglalaro sa P38 hanggang P50 per kilo. Napakalaking diprensiya nga naman at talagang makatulong ito lalo na sa ating mga kababayan na hikahos sa buhay.

Kaya nabanggit ni PBBM na nalalapit niya nang tuparin ang kanyang naipangako. Ngunit, di pa raw niya masiguro kung mababa pa niya ang presyo ng bigas sa bente pesos kada kilo.

Eh kasi nga, ang pagtaas ng presyo ng bilihin ay dinidikta ng iba’t ibang mga pangyayari na kahit na sino ay walang ‘control’. Gaya ng pagtaas ng presyo ng gasolina, maging ang mga oil producing countries, ay di makontrol ito bunga ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Siyempre pagsipa ng presyo ng langis at gasolina, kasunod na ang pagtaas ng presyo ng ibang bilihin.

Dito naman natin makikita ang husay ni PBBM sa pamumuno sa bansa. Nakagawa siya ng paraan para lamang mapigilan man lang ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin gaya ng bigas na pangunahing laman ng bawat hapag kainan.

Kaya umaasa rin si PBBM na sa pagbubukas ng Kadiwa ng Pasko project sa panimulang labing-apat (14) na lugar sa bansa, ay makakapagdulot ito ng kahit bahagyang kaginhawahan sa mga mahirap nating kababayan.

Nangako rin siyang di pa man maabot ang kanyang pangakong muling mabili ang bigas sa halagang bente pesos kada kilo, ay pararamihin naman pa niya ang mga Kadiwa outlet na sana ay kumalat sa lahat ng parte ng Pilipinas.

Sa 14 na lugar nga lamang, ay labing-isa rito ay nasa National Capital Region at mayroong tag-iisa sa mga bayan ng Tacloban City, Davao de Oro, at Koronadal City sa South Cotabato.

Naghiwa-hiwalay ang unang pamilya sa pagpapasinaya ng proyektong ito kung saan si First Lady Liza Araneta-Marcos kahit masama ang lalamunan ay pinangunahan ang Kadiwa project sa Parañaque, samantalang si Ilocos Norte 1st District Rep. Ferdinand Alexander Marcos naman ay sa Quezon City.

Sabi nga ng aking kaibigan, “istedi pulso” lang tayo at hintayin matupad ni PBBM ang kanyang mga pinangako sa mga darating na panahon.

The post MALAPIT NA SA BENTE appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MALAPIT NA SA BENTE MALAPIT NA SA BENTE Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 24, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.