Facebook

Ika-153 Malasakit Center sa OFW Hospital, binuksan

“Pangarap lang noon, natupad na ngayon.”

Ito ang sinabi ni Senator Christopher “Bong” Go matapos niyang pangunahan ang pagbubukas ng ika-153 Malasakit Center sa Overseas Filipino Workers Hospital at Diagnostic Center sa San Fernando City, Pampanga noong Huwebes.

Ang nasabing Malasakit Center ang pangatlo na nailagay sa lalawigan. Ang iba pang center ay matatagpuan sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital sa San Fernando City rin at sa Rafael Lazatin Memorial Medical Center sa Angeles City.

Sinabi ni Go na ang pagtatayo ng Overseas Filipino Workers Hospital sa lungsod ay katuparan ng pangako nila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na pagpapabuti ng healthcare system sa bansa at pagtataguyod ng kapakanan ng mga migranteng manggagawang Pilipino at kanilang mga pamilya.

“Para po siya sa poor and indigent patients. At masaya po ako na dito po inilagay ang 153rd na Malasakit Center sa OFW Hospital na matagal po nating pinangarap noon pa,” pahayag ni Go.

“Naisakatuparan po ang pangarap natin na magkaroon ng sariling departamento, ito pong Department of Migrant Workers. Co-sponsor po ako diyan at isa sa mga author… pangarap natin ito noon na naisakatuparan na. Hindi na po siya panaginip lamang,” pagbabahagi ng senador.

“Ang pangarap natin magkaroon ng isang OFW hospital. Ngayon po, mayroon na rin po tayong Malasakit Center sa inyong OFW Hospital,” idinagdag niya.

Noong Mayo 1 ng taong ito, kasama ni Go si dating Pangulong Duterte sa pag-inspeksyon sa kauna-unahang OFW Hospital sa San Fernando City.

“Patunay po ito kung gaano pinahahalagahan ni dating Pangulong Duterte ang mga sakripisyo at kontribusyon ng ating mga minamahal na OFWs,” ayon sa senador.

Sinimulan ni Go ang programang Malasakit Centers noong 2018 matapos niyang personal na masaksihan ang paghihirap ng mga Pilipinong kapos sa pananalapi upang makakuha ng medikal na atensyon na kailangan nila.

“Kaya no’ng naging senador po ako, isa ‘yan sa una kong isinulong, iniakda, inisponsor ko po, pinirmahan ni dating Pangulong Duterte at sa tulong po ng ating mga kongresista rito, naisabatas po ‘yan,” patuloy niya.

Binanggit ni Go na sa pamamagitan ng magkasanib na pagsisikap sa DOH, ang OFW Hospital ay bibigyan ng sapat na pondo upang lalong mapahusay ang nasabing pasilidad.

Samantala, pinuri ng senador ang lahat ng medical frontliners sa kanilang hindi nasusukat na serbisyo at dedikasyon sa paglilingkod sa mga may karamdamang Pilipino sa panahon ng global health crisis.

Inulit ni Go ang kanyang pangako na ipagpapatuloy ang pagsusulong ng kanilang kapakanan.

Matatandaang naging instrumento siya sa pagpapasa ng Salary Standardization Law 5 na nagbibigay sa mga nurse at iba pang civilian government employees ng ikalimang round ng pagtataas ng suweldo.

The post Ika-153 Malasakit Center sa OFW Hospital, binuksan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ika-153 Malasakit Center sa OFW Hospital, binuksan Ika-153 Malasakit Center sa OFW Hospital, binuksan Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 24, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.