Facebook

COMMUNICATING VIOLENCE PREVENTION INILUNSAD SA PARAÑAQUE

Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Parañaque ang Juana Be Wais , communicating violence prevention na naglalayon na mabigyan ng proteksyon ang mga kababaihan at mga kabataan.

Layunin din ng naturang programa ng lokal na pamahalaan ng Parañaque sa pangunguna ni Mayor Eric Olivarez na turuan ang mga kababaihan na ipaglaban ng kanilang karapatan laban sa mga mapang abuso indibidwal.

Layunin din ng programa o ng mga isasagawa pang mga seminar na alamin ang karapatan ng mga kababaihan at mga kabataan upang maiwasan ang pang aabuso sa kanila.

Sa pahayag nila Councilor Tin Esplana at Councilor Nina Celine Sotto iginiit nila na imulat ng mga kababaihan ang kanilang karapatan at turuan ang kanilang mga anak lalo na ang mga kababaihan upang maagapan ang anumang uri ng pang-aabusong pisikal at emosyunal.

Naniniwala naman ang unang ginang ng lungsod Dra. Aillen Olivarez na hindi lamang ang biktima ang apektado ng pag-aabuso kundi ang kanilang pamilya at maging ang buong bansa.

Dumalo rin sa naturang okasyon si DOH Regional Director Dra. Gloria Balboa at City Health Office Chief Dra. Olga Virtucio.

Sa kanyang pahayag hinikayat ni Mayor Olivarez ang mga kababaihan na ipaglaban ang kanilang mga karapatan laban sa mga umaabuso sa kanila.

Dagdag pa ni Olivarez empowered na ngayon ang mga kababaihan kung sana halos lahat ng mga nakaupo sa kongreso at senado at maging mga namumuno sa department ng mga gobyerno ay pawang mga kababaihan. (CESAR MORALES)

The post COMMUNICATING VIOLENCE PREVENTION INILUNSAD SA PARAÑAQUE appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
COMMUNICATING VIOLENCE PREVENTION INILUNSAD SA PARAÑAQUE COMMUNICATING VIOLENCE PREVENTION INILUNSAD SA PARAÑAQUE Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 25, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.