NAGSASAGAWA na ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa natagpuang mga kalansay ng tao sa isang construction site sa compound ng Department of Justice (DOJ) nitong Nobyembre 24.
Hawak na ng forensic team ng NBI ang kalansay upang isailalim sa pagsusuri alinsunod narin sa kautusan ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla.
Nadiskubre ang kalansay habang naghuhukay ng pagtatayuan ng isang gusali ng DOJ.
“Merong mga skeletal remains na na-recover because of the ongoing construction. Siyempre, like any, we treat it like a crime scene. So, ipinatawag natin ang NBI ngayon to look into it,” paliwanag naman ni DOJ Undersecretary Brigido Dulay.
Kasama rin sa susuriin ng NBI ang isang bungo na sinasabing may butas sa sentido.
Posible rin aniyang panahon pa ng giyera ang mga kalansay dahil matanda na ang gusaling nasa compound ng DOJ.
The post Mga kalansay ng tao natagpuan sa DOJ compound, iniimbestigahan ng NBI appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: