PANTAY na pagkakataon ang isinusulong ni Bataan 1st district Representative Geraldine B. Roman para sa lahat ng mga Filipino.
Para sa kanya, ang pagkapantay-pantay sa pagtrato ng mga indibiduwal na walang hadlang, maling pananaw, kagustuhan, maliban ito’y may pagkakaiba at malinaw na makatwiran.
Matatag na naninindigan at bukas ang mambabatas sa pagsulong ng pagkakataon para sa lahat ng Filipino na walang kinikilingan sa kayamanan, katayuan o pagiging miyembro ng isang ma-impluwensiyang grupo.
Nito lamang nakaraang Linggo, ikinagalak ni Roman ang pag-apruba ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ng House Bill 227, “Caregivers Welfare Act” na umani ng botong 271 mula sa mga miyembro ng 19th Congress.
Si Roman ang pangunahing may akda ng panukala.
“I thank my fellow legislators for the swift passage of this measure and ensuring the strong accountability and implementation efforts to turn the strategy into action,” pasalamat ni Roman, chairperson of the House committee on women and gender equality.
Ang sabi ni Roman, para sa proteksyon at kapakanan ng caregivers sa pagtupad sa kanilang tungkulin at bilang pagkilala sa mahalagang papel na kanilang ginagampanan sa pag-unlad ng ating bansa.
Tanging layunin ng panukala na “magtatag ng mga polisiya sa pagsasanay ng kanilang propesyon upang mapa-unlad ang kanilang kakayahan at napakahusay sa pandaigdigang kompetisyon.”
Dumarami ang populasyon ng bansa at nadaragdagan ang mga batang isinisilang na mayroong kapansanan at lumalaganap ang mga sakit ang dahilan sa patuloy na pangangailangan ng serbisyo ng mga caregiver sa bansa, dagdag pa ni Roman.
“Policies must be enacted to protect the welfare and well-being of caregivers, as well as to maintain excellent and globally competitive standards for the caregiver professional service,” sabi ni Roman.
Tulad halimbawa sa United States, Canada, Middle East at Europe at maging sa Asian countries gaya ng Japan at Korea mas gusto nila ang Pinoy caregivers dahil sa kanilang sipag at dedikasyon alagaan ang kanilang kliyente.
***
Palawakin ang saklaw ng Kadiwa store
KUNG ipinanganak ka ng year 70s to 80s, malamang inabot mo na ang Kadiwa store.
‘Wag kang magsinungaling na hindi mo inabot ‘yan! Hehehe.
Ngayong si President Ferdinand Marcos Jr. na ang pangulo ng ating bansa, binuhay niya ang proyektong itinatag ng kanyang yumaong ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Natatandaan ko nagtrabaho ang aking kapatid na babae sa Kadiwa outlet Marikina branch sa bandang Concepcion Dos.
Naglaho ng mahabang panahon ang tindahang ito. Pati ang Food Terminal sa Taguig na pinakikinabangan ng sambayanan ibinenta ng damuhong ewan.
Ang sabi ni Bataan 1st district Representative Geraldine Roman mas makabubuti pareho sa magsasaka at mamimili ang pagpapalawak ng saklaw ng Kadiwa store project.
Good point po, Congresswoman Roman!
Pwedeng sa provincial level at food terminal sa bawat region.
Isinusulong ngayon ni Roman na maipasa ang House Bill 5601 o ang “Magna Carta for Agricultural Workers and Revitalized Agriculture Value Chain of 2022.”
Ayon kay Roman mapapagana ng Kadiwa system ang publiko na bumili ng kalakal sa mababang halaga at mas magkakaroon ng malaking kita ang mga magsasaka mula sa kanilang produkto na hindi makabibigat ang mataas na presyo sa mga mamimili.
“What we experienced during the pandemic should be a lessons learned in terms of logistics and supply chain planning,” sabi ni Roman. chairperson of the House committee on women and gender equality
Sa explanatory note ng kanyang panukala, sinabi ni Roman na itatatag ang Kadiwa bilang government arm na direktang pagbili sa mga magsasaka, upang matiyak na maibabalik ang pahunan at pagkakaroong makibahagi sa muling pagsigla ng agriculture value chain.
“The value chain addresses supply chain gaps within the agriculture industry and develop an alternative market for domestically-produced agricultural goods completely dedicated to maximizing the economic benefit of both producers and consumers,” dagdag ni Roman.
Sa panukala, sinabi ng mambabata mula sa Bataan itatatag ang isang infrastructure map sa pamamagitan ng pagbibigay ng katatagan ng loob sakaling ang supply chain ay makompormiso sa natural o man-made calamities.
“We need to transform agriculture to a sustainable and diversified sector to ensure economic recovery, reduction of poverty and food security,” pagtatapos ni Roman.
The post “Caregivers Welfare Act” pasado sa Kamara appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: