Facebook

Exchange program para sa mga medical worker sa abroad, sinimulan na – DOH

INUMPISAHAN na ng Department of Health (DOH) at Department of Migrant Workers (DMW) ang pag-uusap sa posibleng pakikipag-partner para sa “exchange programs” sa ibang bansa na nangangailangan ng medical workers.

Ayon kay DOH officer-in-charge (OIC) Maria Rosario Vergeire na plano ng DMW na maka-secure ng mga “bilateral partners” na magbibigay ng pondo para sa scholarships habang ang DOH naman ang magbibigay ng bilang ng mga medical workers na kakailanganin.

Nilinaw naman ni Vergeire na kailangan munang manatili ng isang medical graduate sa Pilipinas at manilbihan ng dalawang taon bago sila maipadala sa abroad.

Ayon sa Filipino Nurses United, mahigit 100,000 nurses sa pribadong sektor ang kumikita lamang ng P537 kada araw sa Metro Manila at higit na mas mababa sa labas ng National Capital Region (NCR).

Habang ang mga nurse na nasa gobyerno ay tumatanggap ng “minimum salary” na P35,000 kada buwan pero mabigat ang kanilang ginagampanang trabaho.

The post Exchange program para sa mga medical worker sa abroad, sinimulan na – DOH appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Exchange program para sa mga medical worker sa abroad, sinimulan na – DOH Exchange program para sa mga medical worker sa abroad, sinimulan na – DOH Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 25, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.