KAUGNAY ng selebrasyon ng National Children’s Month, namahagi sina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo Nieto ng Educational Assistance sa halos 1,000 public school students sa Maynila.
Ang dalawang pangunahing opisyal ng lungsod ay sinamahan nina Manila Department of Social Welfare (MDSW) chief Re Fugoso at Councilor Niño dela Cruz kasama ang social workers at child development workers ng lungsod sa personal na pamanahagi ng halagang P5,000 bawat isa sa mga recipients kaugnay na rin ng educational assistance program ng Maynila sa San Andres Sports Complex, Malate, Manila.
Ang mga tumanggap ng nasabing assistance ay binubuo ng third batch ng mga indigent student beneficiaries na nasa 983 ang kabuuang bilang.
Ayon kay Lacuna, ang nasabing educational cash aid ay ibinibigay sa mga estudyante sa Maynila na higit na nangangailangan upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
“Alam ko, hindi ito sapat pero kahit papaano ay mayroon kayong mabubunot para mabawasan kahit paano anginyong mga gastusin,” sabi ng kauna-unahang lady mayor ng Maynila.
Ang 983 recipients na tumanggap ng cash allowance ay mga estudyante mula sa Districts 1, 3,, 4, 5 and 6 at ang kabuuang halaga na naipamahagi ay mahigit P4.9 million.
Nabatid kay Fugoso na ang mga recipients ay pawang mga indigent students na naka-enroll sa mga pampublikong paaralan sa lungsod sa parehong elementary at high school at pati na children in need of special protection (CNSP).
“The said assistance is meant to augment family expenses for school needs such as “baon,” uniform, school supplies and shoes and materials for school projects, among others,” dagdag ni Fugoso. (ANDI GARCIA)
The post Mayor Honey,VM Yul namahagi ng tig-P5K sa halos 1K estudyante sa public schools appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: