Facebook

SEN. BONG GO AT MGA BATANG KAMPEON SA MUNDO

LUBOS na nagagalak si Senator Bong Go -(Senate Sports Committee head) partikular sa mga huling mga kaganapang nagbigay ng karangalan para sa bansa ang mga batang atletang Pilipino na nagpasiklab sa buong mundo.

Kamakailan ay isang batang Pinoy ang naguwi ng silver medal na isa na ring ginto kung ihahambing sa antas ng kumpetisyon sa table tennis na nasundan ng isa pang kampeonato ng mga batang chess players na sumabak sa Thailand.

Pero ang pinakatampok ay ang golden performance ng isang 5- taon gulang na nagkampeon sa mundo ng jiu- jitsu.

Buong -buo ang loob ng musmos pang si Aielle ng Pilipinas kahit na nasa labas ng bansa sumasabak at mas malalaki ang kanyang mga nakatunggali ay isa-isa niyang ginapi para sa gintong medalya upang tanghaling kampeon ng katatapos na prestihiyosong AJP World Pro Jiu Jitsu Championship sa Abu Dhabi kamakalawa ng gabi.

Ang mag-aanim na taon gulang at tinanghal pa lang na batang kampeon sa nakaraang 2022 Little Foot Jiu Jitsu In- House Championship sa Victoria Sports Club sa EDSA,Quezon City kamakailang si Aielle ay agad na nadomina ang kalaban mula host team UAE ,6-0 na nasundan ng submission victory niya kontra Brazilian bet upang makopo ang gintong medalya at tanghaling pinakabatang world champion sa torneo ng pinakamagagaling sa mundo magmula sa kid division ,elite hanggang masters.

Winalis ni Aielle-anak ni World Beach Games Jiujitsu champion Maybeline Masuda at Wrestling Association of the Philippines president/ URCC Global founder -chief Alvin Aguilar ang lahat ng kanyang nakatunggali mula elimination round hanggang championship match.

“ We are all so proud of you( Aielle),even at such a young age,you are already organized and hardworking in everything you do.From academics to sports ,you always excel because you always work hard” ,papuri ng amang si Aguilar sa kanyang supling na kampeon na sa mundo at lalong naantig ang kanyang pagmamalaki sa mga katagang binulalas ni Aielle sa kanya bago ang championship match nito..”Papa I’ll show you my gold medal later on”.

Pinasalamatan ni Pres.Alvin at kabiyak na si Maybeline ang Team DEFTAC lalo na kay Yuri Yson sa pag-prepara sa batang kampeon sa misyong maitala ang kasaysayan bilang pinakabatang world champion mula Pilipinas na si Aguilar- isang ginintuang pagkakataon na mahirap pantayan sa mahabang panahon.

Ang kagitingan ng mga batang ito ay deserving sa rekognisyon ng Kongreso Senado at Malacañang… ABANGAN!

The post SEN. BONG GO AT MGA BATANG KAMPEON SA MUNDO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SEN. BONG GO AT MGA BATANG KAMPEON SA MUNDO SEN. BONG GO AT MGA BATANG KAMPEON SA MUNDO Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 20, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.