Facebook

Napapabayaan ang public transport

TATLUMPO’T TATLONG (33) importers ng agricultural products ang sinampahan ng reklamo ng Bureau of Customs (BOC) last Thursday, Nobyembre 17.

Dalawampu’t dalawa (22) sa mga ito ang sinampahan ng paglabag sa Republic Act. No.10845 ( Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016), post ng BOC sa kanilang Facebook account.

Ang 11 customs brokers naman ay sinampahan ng “unlawful importation”.

Hinahabol dito ng BoC ang kabuuang dutiable value na P251.61 million at duties, taxes at mga bayarrn na nagkakahalaga ng P107.19 million!

Ito’y matapos bombahin ng mga mambabatas partikular ni Senador Imee Marcos, ang “Super Ate” ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr., ang BoC sa hindi parin nito pag-aksyon laban sa smugglers ng agricultural products.

Subaybayan natin ang mga isinampang charges na ito ng BoC laban sa smugglers sa Agriculture. Dahil halos mga barkada rin ito ng mga taga-Customs eh. Baka mamaya niyan butas-butas ang mga ebidensiya at ma-dismiss lang dahil sa technicalities. You know!

***

Nagkasagutan sina Senador Raffy Tulfo at Senadora Cynthia Villar kaugnay ng pag-develop sa subdivision ng mga sakahan, dahilan para wala nang mataniman ang mga magsasaka at nagresulta ng kakapusan ng agricultural products sa Pilipinas.

Ang negosyo ng pamilya ni Sen. Villar ay developer, paggawa ng subdivisions, condominiums at malls.

Giit ni Cynthia, misis ng No. 1 billionaire sa Pilipinas na si dating Senate President Manny Villar at mommy ng baguhang senador na si Mark, naging DWPH Secretary sa panahon ni Duterte, saan patitirahin ang mga tao kung hindi sila gagawa ng subdivision? Hmmm…

Sagot ng palabang dating mamamahayag at bagitong Senador na Tulfo, kapatid ni DSWD Sec. Erwin at batikang kolumnista na si Ramon, maari namang gumawa ng subdivision na hindi sakahan eh. Mismo!

***

Sinabon ni Sen. Tulfo ang DENR Secretary, Ma. Antonia Yulo-Loyzaga, tungkol sa mga tiwaling opisyal ng departamento na panahon pa raw ng dinosaur ay nagpapasasa na sa puwesto. Dapat daw ay isailalim ang mga ito sa lifestyle check!

Partikular na tinumbok ni Tulfo ang mga undersecretary at assistant secretary na aniya’y nakikipagsabwatan sa mga miner sa pagwasak sa kalikasan!

Sabi ni Tulfo, sa tagal na sa puwesto ng mga Usec at Asec na ito ay tila nagkaroon na ng dementia, hindi na nagagawa ng tama ang mga trabaho nila. Aray ko!

“Maybe its about time na ma-assess nyo kung sino-sino yang mga Usec na yan na pagkatagal-tagal nang panahon nandyan parin! Siguro it’s about time na i-reassess nyo po yung mga posisyon dyan sa DENR,” giit ni Tulfo kay Sec. Loyzaga.

Sagot ni Loyzaga, ang DENR ay nagbuo ng team na may parehong vision, integrity at commitrent.

Pero hindi kuntento si Tulfo sa sagot na ito ni Loyzaga.

“I don’t think so, ma’am, sorry. You can’t talk about the integrity of some of the people in your department. I have right now, I’m not gonna mention names, I have with me proof to show you na marami kang tiwaling tauhan dyan sa loob ng DENR”, diin ng Senador.

Giit ni Tulfo, dapat magsagawa ng lifestyle check si Loyzaga sa kanyang mga Usec at Asec para malaman kung sino-sino sa mga ito ang tiwali at dapat kasuhan at tanggalin na sa puwesto ang mga animal!

Abangan!

The post Napapabayaan ang public transport appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Napapabayaan ang public transport Napapabayaan ang public transport Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 18, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.