Panindigan nga kaya ni former Bureau of Correction (BuCor) Chief Gen. Gerald Bantag ang una niyang pahayag na siya ay hindi susuko at handang mamatay kung siya ay aarestuhin hinggil sa mga paratang sa kanya na siya umano ang mastermind sa Percy Lapid Slay.
Ito ngayon ang inaantabayan ng marami nating kaba-bayan. Dito na daw masusubukan ang angking tapang ng Heneral na lubhang kinakatakutan ng mga preso sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) mula nang siya ay inatasang BuCor Chief ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang mga ginawa niyang disiplina at aksiyon sa loob ng NBP ay naramdaman ng lahat partikular na ang mga high-profile in-mates sa maximum security compound.
Ilan sa mga high-profile inmates na ito sa kanyang administrasyon ang sinasabing namatay o’ pinatay na hanggang sa kasalukuyan ay nananatili pa ring misteryoso at palaisipan.
Meron ding nagsasabing ilan sa mga ito ay personal na pinalaya nguni’t dineklarang namatay dahil sa Covid19 at sinunog na lang ng wala man lang nakasaksi at nakaalam sa pangyayari.
Napag-alaman din na giniba ni Bantag lahat ng mga kubol sa loob na sinasabing kuwarto ng mga high-profile na tinuturing na mga Very Important Person (VIP) dahil sa luxurious living nito sa loob ng penitentiary.
Ang mga ito aniya ang siyang nagdadala ng martsa sa lahat ng mga illegal na negosyo. Partikular na dito ang alak, pagpapasok ng mga prostitute at kalakaran ng illegal na droga hindi lang sa loob kundi sa buong bansa.
Dahil sa dami ng salapi ng mga ito dahil sa drug money, sinabi ni Bantag na ang mga ito daw ang sanhi at arkitekto ng kanyang pagkakasibak bilang BuCor Chief.
Ang mga akusasyong ito at madiing pinabulaanan ng sanib na ahensiya ng Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investgation (NBI) at Department of Justice (DOJ) na siyang nag-iimbestiga sa Percy Lapid Slay. Malayo anila sa topic ang pinagsasabi ni Bantag.
Lumalabas sa imbestigasyon na si Gen. Bantag at ang kanyang alalay na si Senior Jail Officer SJO Ricardo Zulueta na kasalukuyang nagtatago ang siyang mga mastermind sa pagpaslang kay Lapid.
Ito ay batay sa mga testamento ng apat na in-mate na nagsasabing ang order daw na patayin si Lapid ay galing sa office ng BuCor na kailangan nilang planuhin at tuparin
Ang pagpaslang kay Lapid ay isinagawa ng mga hired killer na kanilang kinontak sa labas at umanoy dati rin nilang mga kasama sa loob ng NBP.
Si Bantag at Zulueta ay sinampahan ng kasong murder sanhi ng pagpaslang nila kay Lapid at sa middleman na si Jun Villamor sa kanyang selda sa maximum security ng NBP.
Ang pagpatay kay Villamor sa pamamagitan ng pag-suklob ng plastic sa mukha ay inutos din daw sa kanila ng mga opisyal ng BuCor upang hindi na ito makapagsalita hinggil sa Percy Lapid Slay.
Sa kasalukuyan ay hindi natin alam ang where abouts ni Bantag kung kaya’t hindi natin makuha ang kanyang panig hinggil sa mga akusasyon at kasong kanyang kina-kaharap.
Ang tanging hini-hintay ngayon ng madlang people ay kung tatanggapin at haharapin na lang niya ang anumang kalalabasan ng resulta ng kasong sinampa sa kanya taliwas sa una niyang pahayag na siya ay lalaban bago pa man dumating ang anumang kaganapan.
Dito na rin daw masusubukan ang angking tapang ng Heneral na lubhang kinakatakutan sa loob ng NBP bilang isang terror at berdugo.
Maliban dito, matutunghayan din natin kung siya ay ganap at isang tunay na lalaki na merong isang salita at palabra de honor na kanyang paninindigan hanggang sa huli.
Ito na marahil ang pinakamahirap na situwasyon sa kanyang buhay na kung saan kailangan niyang magdesisyon at panindigan ang kanyang prinsipyo.
Maaaring may punto rin ang kanyang sinabing handa na siyang lumaban hanggang sa mamatay kaysa nga naman hintayin niya pang siya ay masistensiyahan at mamasukan sa NBP bilang isang preso at hindi isang hepe.
Malaki rin nga naman ang posibilidad na gantihan siya ng mga preso na siguradong may tanim na galit sa kanya bunga nga mga aksiyon at umanoy mga kalupitan niyang pina-tupad bilang BuCor Chief, eh nong alaw iyon… he… he… he…
Abangan na lang natin ang susunod pang mga kabanata na siguradong makulay at kapanabik-nabik.
The post PANINDIGAN KAYA NI GEN. BANTAG ANG MGA UNA NIYANG PAHAYAG? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: