Sana noong una pa lamang, nakinig na tayo at naniwala sa mga sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Disin sana’y, di tayo nasadlak sa ganireng sitwasyon at pagsisisi.
Tandang-tanda ko pa ang mga eksaktong kataga noon ni Tatay Digong patungkol sa nakaupong Pangulo ngayon ng Pilipinas.
“Bongbong is a weak leader”, tinuran ito ni dating Pangulong Duterte sa panimula pa lamang ng kampanyahan para sa May 9, 2022 presidential elections.
Noong mga panahong iyon, nagdurugo sa paghihinakit ang puso ni Tatay Digong dahil sinuway ng kanyang anak na si Sara Duterte na ngayon nga ay bise presidente na, ang kanyang kahilingang tumakbo ito bilang presidente ng bansa.
Tahasang tinanggihan ito ni Inday Sara at sa halip, napapayag itong tumakbo bilang pangalawang pangulo in-tandem with Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa ilalim ng tinaguriang UNITEAM.
Nang manalo via landslide sina PBBM at Inday Sara, nagbunyi ang mahigit sa tatlumpu’t isang milyong Pilipino na bumoto sa kanilang dalawa.
But less than 100 days pa lamang sa kanyang puwesto sa Malacanang, nag-umpisa nang madismaya ang marami sa mga taong sumuporta kay PBBM.
Hindi mga ordinaryong supporters ha?
Kundi yaong mga taong tapat kay PBBM na nakasama ni Bongbong Marcos ng may ilang panahon at nagsakripisyo lalo na noong nagkukumahog ito at namimilipit sa paglaban sa kanyang inihaing electoral protest nang matalo ito kay VP Leni Robredo sa vice presidential race noong 2016 elections.
Isa na nga dito ang tinanggal na si Executive Secretary Victor Rodriguez.
Ito ang una nating naging patunay na sadyang “MAHINA at MARUPOK” ang paninindigan ng isang Bongbong Marcos.
Tama si Tatay Digong, walang tibay na maaasahan kay PBBM,sorry for being rude, so vocal and straight forward about it.
Tandang-tanda pa rin natin kung paanong panindigan ni Tatay Digong si dating Health Secretary Francisco Duque sa gitna ng malawakang panawagan ng lahat na halos ng sektor para ito sipain bilang Kalihim ng Department of Health.
Literally, ultimong refrigerator ata ay ibinalibag na kay Duque ng kanyang mga kritiko para sibakin lamang ni Tatay Digong.
Lahat ng akusasyon ng pagnanakaw at pagiging inutil sa puwesto ay inihilamos na laban kay Sec. Duque pero naging “solidly firm” ang desisyon nang noo’y Pangulong Duterte na panindigan ang kanyang naging desisyon “to stand by Duque”.
Hindi lamang pinanatili ni Tatay Digong si Duque sa top fortfolio ng DOH , bagkus personal din nitong ipinagtanggol ang noo’y Kalihim ng DOH sa mga akusasyon ng ilang opposition senators/solons sa Senado at Kongreso.
Hindi lamang si Duque ang ipinagtanggol ni Tatay Digong kundi ang kanyang buong gabinete, kasundaluhan at ang kapulisan.
Isang bibihirang katangian, tipikal bilang isang matatag at decisive leader.
Ngayon lamang napagtanto ng maraming Pilipino ang kaibahan ni Tatay Digong kay Bongbong Marcos.
“The distinction of men from the boys”.
Ang kaibaihan ng isang uhuging bata sa dakilang ginoo.
Mind you, less than six months pa lamang ang nakakalipas mula sa “euphoria” na nadama ng mga Pilipino sa pagkakapanalo ni PBBM at eto na tayo at sising-alipin.
Hindi po tayo Marcos loyalist at hindi rin po tayo pasok sa tinaguriang “inner circle” ng mga Marcoses pero lubos at tagos sa puso ang ating pagsisisi sa naging pagsuporta natin kay Bongbong Marcos.
Not because masamang tao si PBBM.
Hindi po yaong ang rason.
Totoo pong mabait na tao si Bongbong Marcos pero di po ang personal na pagkatao ni PBBM ang isyu dito kundi ang kanyang malamyang liderato para pamunuan ang isang bansang gumegewang at lugmok sa problema at malalaking pagsubok na kinakaharap.
“We can’t afford at this point in time, “an indecisive leader”.
Kuwestiyonable ang kanyang kakayanang pamunuan ang bansang ito at pagkaisahin ang sambayanang Pilipino.
We don’t need a TAKUSA President na kayang-kayang diktahan at impluwensiyahan ng kanyang asawa.
Sorry for the term pero mismong sa pamilya Marcos particularly from no less than Senator Imee Marcos, ate ni PBBM naririnig natin ang sentimiyentong ito.
Sa first ten days pa lamang ni PBBM sa Malacanang, una nang pinanghimasukan ni FL Liza Araneta Marcos ang naging pag-veto ni President Bongbong Marcos sa ilang batas na ipinasa ng Kongreso at Senado.
Sabi nga ni Manang Imee, “maraming nagdudunung-dunongan sa paligid ni PBBM”.
Sinundan pa ito ng mas maanghang na komento patungkol sa mga “makamandag na ahas” na umano’y naglulungga sa Palasyo.
“Malacanang is literally turning into a snake pit”, pahayag pa ni Manang Imee.
From then on, nagkasunud-sunod na ang indulto ng Marcos administration.
From sugar fiasco hanggang sa palpak at patumbling-tumbling na imbestigasyon sa Percy Lapid slay case.
Imagine, sinalungat ng mismong Kalihim ng DOJ na si Sec. Boying Remulla ang autopsy findings ng NBI sa kaso nang umano’y pinaslang na Bilibid inmate na itinuturong middle man sa pagpatay kay Percy Lapid.
Tinanggap ni Sec. Remulla ang findings sa second autopsy report sa labi nang pinatay na middle man na si Cristito Villamor Palanan na isinagawa ng pathology expert na si Dra. Raquel Frotun pero naging tikom ang bibig ng Kalihim sa kanya mismong mga tauhan sa NBI na nagsagawa ng unang palpak na autopsy.
Walang naging paliwanag pang narinig patungkol dito.
As if TODO PASA na lang na as if walang nangyari kabobohan at katangahan.
Not to mention, ang mismong kaso ng anak ni Sec. Boying Remulla na inaresto ng PDEA dahil sa iligal na importasyon ng high grade marijuana.
Hindi raw makikialam si Remulla sa kaso ng anak nitong si Juanito Jose Diaz Remulla III.
Pero ‘wag ka, sinibak na pala ang hepe ng PDEA hehehe.
Back sa kaso ng pagpatay sa broadcaster na si Ka Percy Lapid, naging comedy ang takbo ng imbestigasyon noong una ng PNP dahil sa dami ng lapses at blunders na nangyari.
Nag-shift ang mode ng investigation from comedy to action nang pumasok na sa eksena ang DOJ at NBI.
Sa press conference naman na isinagawa, nagcombined forces ang DOJ at DILG sa pagsasampa ng kasong murder laban kay suspended Bucor Underscretary Gerald Bantag at sa umano’y righthand man nito na si Ricardo Zulueta bilang mga masterminds umano ng Lapid slay.
May ilan pang indibidwal ang kinasuhan din ng murder kabilang na dito ang mismong gunman na si Joel Escorial.
Melo-dramatic naman ang genre ng tila scripted na press con na ang naging main highlight ay ang appeal nina Sec. Benhur Abalos at Sec. Boying Remulla kina DG Bantag at Zulueta para sumuko na.
Sablay na naman ang diskarte ng dalawang mama.
Parang mga hindi abogago este abogado pala.
Wala pang “warrant of arrest” na iniisyu ang hukuman laban kina Bantag at Zulueta, pinapasuko na, hahaha.
‘Wag n’yo naman pong madaliin at i-shortcut ang proseso mga mahal naming Kalihim.
Masyado naman kayong nagpapahalata.
Grandstanding po ba ang tawag dyan o may iba pa kayong kadahilanan sa pagmamadaling ikahon si DG Bantag?
Sino nga ba ang kumukumpas at nagsisilbing director sa tele-novelang ito?
Remember, digital na po ang KARMA ngayon at napaka-mabilis ang pag-inog ng mundo.
Baka ang sitwasyon ngayon ay entirely the opposite bukas.
Nagpapaalala lamang po sa mga taong nakakalimot.
Kadalasan talaga, ang pagtataglay ng unlimited powers ang sanhi ng Alzheimer’s disease.
May kasunod…
Abangan.
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post ‘TAMA SI TATAY DIGONG’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: