Facebook

BARMM exec patay sa tandem

Patay ang isang opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at sugatan ang dalawa nitong kasama nang ratratin ng hindi pa nakikilang riding-in-tandem sa Cotobato City nitong Martes.

Kinilala ang biktima na si Jocelyn Samar Palao, hepe ng Ancestral Domain Division ng MARMM-Ministry of Indigenous and Peoples Affairs (MIPA) at residente ng Barangay Timaman, South Upi, Maguindnao Del Sur.

Ayon kay Police Major Amil Andungan Jr., hepe ng Cotabato City Police Station 2, pauwi na ang biktima at dalawa nitong mga kasama sakay ng puting van nang dikitan sila ng mga suspek at puntiryahin lang ng mga putok ang biktima sa kahabaan ng Barangay Rosary Heights 11 bandang 5:00 ng hapon.

Nasapol si Palao ng kalibre .45 baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan na idineklarang dead on arrival sa pinagdalhang ospital.

Nakuha sa lugar ng krimen ang siyam na basyo ng kalibre.45 na baril. Iniimbestigahan na ang motibo para matukoy ang utak sa krimen.

The post BARMM exec patay sa tandem appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BARMM exec patay sa tandem BARMM exec patay sa tandem Reviewed by misfitgympal on Disyembre 22, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.